She’s not the mother lily you know. Yun ang tawag ko sa pinaka mamahal kong nanay. 
Bukas September 5 birthday mo na yahooooo. Kaya pala madalas ang pag paparinig mo sa skin na masarap ba ang carbonara.? kunwari ka pa na hindi mo alam ang lasa nun, na hindi mo pa natitikman yun. Kagabe ko lang na alala na bukas biyernes eh kaarawan mo na.
Naalala ko nung nakaraan taon pala hindi kita na bati kasi nag tatampo ka sa akin dahil sa maaga kong pag landi. Dahil sa bati na tayo at mukhang napatawad mo na ko kaya mega parinig ka na ilibre naman kita sa labas.
Hays MADAM maligayang kaarawan sayo..
mahal na mahal na mahal kita..
Naiintindihan ko na ngayon ang importansya ng buhay, pera at oras. Alam kong tama lahat ng sinasabi mo kahit taliwas ito sa mga paniniwala ko. Alam kong kahit hindi ka mag salita na nasasaktan kita sa katigasan ng ulo ko e walang sawa mo pa rin iniintindi na normal yun sa mga katulad kong abnormal. Alam kong na dissapoint ka nung na buntis ako ng muslim kong jowa. Malapit na sana ko grumaduwayt sa kurso ko, tama ka nag practikum ako kagad. Konting hinga ng malalim eh makaka ahon kana sa sandamakmak na utang dahil sa tuition ko. sorry talaga mudra.
Alam kong kulang pa ang mga eport ko para makalimutan mo ang ginawa kong sakit sayo kiss mo na lang si ainah. Salamat din pala kasi inaalagaan mo si ainah pag nandito ako sa opis. weeeeehhh..
Isa kang ulirang INA.. mahal ka namin ng APO mo at ng jowa ko..