(Bago ang lahat hindi po ako nag hahanap ng gulo. Panawagan po sa asawa ng nasa larawan. eto ay isang pag alala lamang. Walang bahid ka kiligan. *weehh* At sa asawa ko naman hinay-hinay lang wag masyadong magselos iyo lang ako..hehehe)
Hays. nakita ko yung piktyur nya sa e-mail ko, bigla tuloy ako nag karoon ng idea na ipost ang tungkol sa nakaraan namin (3yrs ago). hahahaha
Early September kasi nung una kami mag kakilala, may GF sya nun single naman ang drama ko. well malikot talaga sya (oops walang nangyari samin ha). malikot in a sense na masyadong pacute sa mga girls, masyadong babaero in short. Friend ko yung GF nya. Ayon sa friend ko eh wala pa syang feelings para sa BF nya. So dahil sa alam kong hindi pa sya sineseryoso ng kaibigan ko eh mega karir ako at bibigyan naman nya ng pansin ang effortless kong pag papacute. Epektib.
Madalas kami mag kasalubong, galing sya ng court ako naman papunta pa lang. Minsan naman madalas kaming mag katitigan habang kasama nya friend ko pero dahil sa may kakaunting hiya pa ko sa katawan eh dedma sa harap ni friend pero deep inside nalaglag na panty ko. So one time kasama nya yung ex kong si panget syempre dahil nga sa kinakarir ko sya eh binati ko sya, tamang hi and hello ang drama namin. Siguro hindi sya makatiis hinihingi nya number ko kay panget. Sya ang naunang humingi ng number ko pero ako ang naunang magtext (landian portion ito).
happy: hi po gud pm!! musta na?!xenxa na if maxado ko maingay kanina huh.. ü
naghintay ako ng buong magdamag dedma walang reply.
kinabukasan….
sya: Hi poh sensya na di ako nakapag reply kagabe na sa ate ko tong cp eh. ok nman ako kaw?kumaen knb?
(nagmamadali akong nagpreply para bang sisindihan ang pwet ko)
happy: ok nmn ako, uhm kkatpos ko lang kumaen kaw? nainis ka ba kgbe?yngay ko noh?!
sya: yup kkatpos ko lang, kgbe?di ah. hehehehehe. kita tau mya. kei lang?
happy; mya? my class aq eh. actually nag pprepare na q 4 skul. wat tym ba?!!
sya: ah ok. mga 7pm.kei lang?
happy: 7pm?uhm 9pm uwi q eh.. hehehe. w8 la na ba kau ni chell?
sya: kme?.. bkit kme ba? sunduin kita sa mcdo u want?
happy: hahaha.. uhm y mo ko gus2 sunduin?
sya: dun aq ndaan from skul. text kita l8r bihis kna ha.. ü
happy: ok.. hehehe c u..
dahil sa alam ko naman na sila pa rin ng friend ko nakiride lang ako sa mga pag lalandi nya. Kras ko talaga sya una pa lang, well almost a month din umabot yung landian namin. panay text. Then finally wala na sila ng friend ko. Ayon sa kanya eh hindi sya tanggap ng friend ko.
MUNCHKIN (term of endearment namin) . Naging kame na. October 25, 2005. Umabot naman kami ng 1 month. Masaya naman kame, After skul kame lagi nag kikita, sinusundo nya ko sa kanto namen at sabay kame nag lalakad. Ihahatid ako sa bahay tapos mag bibihis lang ako den kita ulet kame. Tambayan namin ang bahay ng namayapa naming kaibigan. Tahimik, madilim at masaya. Dun kame madalas mag usap. Alam kong mahal ako ni munchkin, ramdam ko yun. kasi kahit kasama nya si chell pag nakita na nya akong parating eh iniiwan nya to, kahit may praktis sila ng sayaw eh pupuntahan nya ko kung nasaan ako. At namomoblema sya kung anu ireregalo nya nung monthsarry namen. how sweet. mababaw lang ang kaligayahan ko tamang pakita lang ng effort eh kinikilig na ko. ganun talaga. aminin mo kaw rin ganun.
Maraming naman kasing pwedeng magustuhan sa kanya at kahit sinong babae eh kikiligin talaga. Mabaet sya, sweet, maalalahanin at may pag conserbatib. Mahilig humalik sa malapad kong noo. kinakantahan nya ko habang nag gigitara, Super galing mag basketbol(hearthrob). At ang pinaka gusto ko sa lahat barumbado.. hahaha. Sa sandaling mag kasama kame eh nabago nya ko. Tahimik na ko mag lakad sa kalsada, dati-rati kasi ang ingay ko talaga, napahinto nya ko sa pag yoyosi, yun eh pag nakaharap lang sya natural pakitang tao tayo bago ang relasyon eh.
Kaso hanggang november na lang siguro talaga kame. Umabot ng november 31 aming landian atlis pasok sa buong nobember. Nag sawa siguro at feel nyang tumikim ng kepay. in short eh wala syang napala sa akin nag attemp sya kaso ayoko talaga eh natakot ako nasilipan ko na kasi sya nuon habang umiihi sya at natakot ako sa laki.. virgin pa kaya ko?!!?!?!.. hahaha. arte!!
Sa totoo lang maraming lumabas na hindi naman talaga ko sineryoso ni munchkin. ang masasabi ko lang sa kanila e Wala akong pakialam dun. Kanya-kanya tayo ng nararamdaman eh sa yun ang naramdaman ko nung magkasama pa kame. kahit mukha syang nag papanggap eh muka kaming masaya.
Ang masasabi ko lang sayo munchkin eh: “alam kong masaya ka na sa bagong buhay mo ngayon, may anak ka na rin tulad ko. Na mimiss kita twing nobember. joke. Sana eh tuloy-tuloy na ang pag babago mo. Wag ka na mambabae. Pakatino k na. Sa susunod na pag kikita.”

September 8, 2008 at 10:53 am
uyy, sweet yet so sudden.
meron din ako nyan hehe..sarap lang alalahanin. when u look back and recall, minsan naging biktima ka rin ng kabaliwan ng puso mo hehe pero oks lang atlis wala nga siya napala.
bumibisita
September 9, 2008 at 12:18 am
uu nga eh bute nalang wala.. atlis kada november may na aalala ako..
salamat sa pag bisita.. sa uulitin..