Kahapon, pag katapos ko mag novena sa baclaran na tutukso ang mga kamay ko na gumastos. ang daming magagandang designer bags tipong class A. Pero kulang ang oras ko para mag ikot. May mga bet din akong sapatos at damit. amf. Pigil-pigil-pigil. Natuwa ako kasi naiwasan ko ang isa sa matindi kong bisyo. So nilisan ko na ang mga mapang akit na tindahan. Habang naakyat ako sa overpass nakakita ako ng mga baby. Namamalimos, madumi at mukhang gutom na gutom. Nainis ako.

Kahit nung wala pa akong anak naiinis na ko sa mga magulang ng mga batang namamalimos sa daan. Naiinis ako hindi dahil namamalimos sila sa akin, naiinis ako dahil sa murang edad nila nararanasan na nila ang lupet ng mundo at lalo na ng lupet ng mga tao. Nung buhay pa si father dear madalas kami mag simba sa baclaran, sabi nya sa akin sindikato daw yung mga yun. kaya kung makulet ako eh ibibigay nya ko sa leader.

Sa mga leader ng sindikato: HINDI AKO SANG AYON SA GINAGAWA NYO MGA ANIMAL, ANG KAKAPAL NG SIKMURA NYO. KUNG GUSTO NYO YUMAMAN MAG BANAT KAYO NG BUTO. PUTANG INA NYO.

hindi ko rin magets ang punto ng mga magulang ng mga batang yun. Kung bakit natitiis nyo na nababasa ng ulan ang mga batang walang malay, nagugutom, hubad at babad sa mausok na hangin. kumakaen ng basura at nanlilimos mabuhay lang ang hayop na leader na yan. ANONG KLASE KANG MAGULANG. Hindi ko tatanggapin ang dahilan mong KAHIRAPAN, dahil ako eh mahirap din. Pare-pareho tayong mahirap.

Naisip ko kung mayaman lang ako aampunin ko lahat ng mga batang (yung bata lang as in edad 0-2) pakalat-kalat sa overpass. Gusto ko sila bigyan ng limos pero hindi yun ang sulosyon dun. Bigla akong nais sa gobyerno. nyeta anong gagawin nyo sa problemang to? Alangyangyan. Amfputaness.

Sa pag sakay ko ng bus nag iisip pa rin ako. Nagugutom ang mga batang yun kape ang nag sisilbing gatas nila, malamig ang semento, babad ang katawan walang suot na damit. Wala akong magagawa. Magalit man ako hindi ko pa rin sila matutulungan. Biglang pumasok sa utak ko ang mag-anak na nakita kong tulog sa bangketa. Naninimot ang bata ng tira-tira kong aysing sa binili kong tinapay. Tinataga ko sa bato hinding-hindi as in never to da highest level of never yan mangyayari sa pamilya ko, sa anak ko at sa lahat ng mahal ko sa buhay. Di bale ng mamatay ako kaka trabaho wag lang magutom at mamalimos ang mga mahal.

Nanawagan ako sa lahat ng mga company. Pag nag apply ako paki regular lang ako. Masipag po akong mag trabaho. Hindi po ako na absent nalalate lang pero hindi naman major late 3-8 mins late lang. Madali ako utusan, wala akong arte sa trabaho. Magaling ako makisama, maalindog rin at higit sa lahat magaling gumiling ng otcho-otcho.