Sira na ang apat na ngipin ko sa harap yung dalawang mag katabi hati sa gitna, na paeang ngipin ng mga bata yung dalawang mag katabi eh gusto ng sumunod sa landas ng dalawa pang nauna. Bukod pa dun bulok na rin lahat ng nasa dulo. Ewan ko ba hindi naman ako pabaya sa pag tututbrush ng maliit kong ipin pero nauunti-unti sila. Dalawa na ang ipin ng anak ko sa harap kaya siguro ganun kada tumubong ipin kay ainah sya namang tanggal ng sa akin. Kakabanas.

Gusto ko ng wakasan ang panget kong imahe. At ibalik ang dati.  nuon Buo ang ngipin. Malayang nakakangiti sa mga tao kahit hindi ko kakilala, gusto ko ng tumawa ng hindi tinatakpan ang bibig ko. Naalala ko nuon magaling akong mang-asar sa pamamagitan ng isang magandang pag ngiti.

Tandang-tanda ko pa nung unang masira ang ngipin ko sa harap. March 10, debut ng dating kong matalik na kaibigan (ngayon e mortal ko ng kaaway). Maharot ako. Lasing na lasing. Nasayaw ako ng :my humps” sa harap ng cottage marami ang nakatingin at namamangha dahil sabay na sabay kami ni Hazel. Nag yabang ako. Gumawa ang ng exhibition na hindi ko naman pala kakayanin. Mag wa-onehande freeze sana ko umiikot ako, unag try okey bravo, hindi ako na kuntento isa pa ibang angulo naman. Ayus nag tumbling ako pag ikot ko bagsak ang nguso ko sa sahig na tiles boom basag ang ngipin ko.. kaasar. iyak dito iyak don..

Sumunod na basag ng ipin ko nung July lang. Nag haharutan ang mag-ama ko biglang humiga anak ko sa mukha ko pwesto. Basag na naman sa gitna pa ha..

Kagabi naman nag wawala sya kasi gusto dumede eh tulog na ko. Sobrang nag papansin si ainah kaya ayun nagising ako sa malakas na tunog ng ngipin ko. Dali-dali kong kinapa ipin ko.  Hindi sya natanggal Thank God pero may crack na sya. Nangingilo na ko nasigawan ko si ainah at nag paawa epek sya kay mother dear at bigla rin ako sinigawan na huwag ko raw pagalitan yung bata kasi hindi sinasadya.

Ngayon nag dedesisyon ako kung ipapapustiso ko ba o ipapa jacket.

kung pustiso hindi na ko makakapag daldal kasi baka malaglag kung jacket baka hindi ko kayanin ang singil.

Help me naman po.. anu sa tingin mo maganda?