Grrrrr.. Na hack ang friendster ko last thursday after ko mag log-in sa isang computer shop na madalas kong daanan bago umuwi. Nalaman ko na hinack yung friendster ko nung sabado na kasi nag check ako sa bahay.

Maintenance kasi ang friendster nung friday kaya di ako nakapag bukas.

Unang try nag failed hindi raw nirerecognise yung email add ko as friendster log-in so chineck ko email add ko walang confirmation na sinend dahil sa hawak ko ang account ng anak ko sinubukan kong mag log-in at pumasok ako.

Nakita ko na may bagong pinost na shout out ang account ko “LOAD 115 09075006580 TO WANT YOUR PROFILE BACK -HACKER”

Napa shit talaga ko sa galit. Pinalitan nya ang email-address ko, ginawa nyang private ang mga photo albums ko. Dahil sa kateng-kati ko na mabawi ang friendster ko tinext ko ang walang-hiya. Ibabalik daw nya basta paloadan ko sya. Sabi ko hahatiin ko yung pag bigay ng load para sigurado. Aba ayaw pumayag.

Hanggang ngayon hindi ko parin sya pinapaloadan iniisip ko pa kung papaloadan ko sya.

Ayoko na gumawa ng bago. Kasi hassel na yun mag uumpisa ulet ako sa zero. Friendster na ang naging buhay ko pamula pa nung high school dun ko natagpuan ang mga classmates ko nung elementary. Marami ng recognition ang account na yun. Nahirang na yun bilang pina sikat nung 2007.

Gusto ko paring makuha ang account kong yun ng walang binibigay na load sa animal na yun..

Tulungan nyo naman ako mabalik yung friendster ko……. please..

 Hay naku Pa. Na late ako. Sa pag bati sa iyo ng maligayang kaarawan, pero wag mo isipin na nakalimutan ko talaga. Dahil nung mismong araw ng bertdey mo eh naalala ko talaga yun. Niyaya ko pa nga si mama na mag punta sa yo kaso wala kaming pamasahe. Pasensya na talaga.

Hindi naman talaga ako sanay na batiin ka twing bertdey mo. Alam mo yan. 3 tao na ang nakaka lipas nung umalis ka.

Alm ko na kada September 27 ang bertdey mo.Mas sanay akong batiin si mama hindi naman kasi tayo close db?!

Siguro galit ka pa rin sa akin kasi hindi ako naka graduweyt. Alam kong madalas mong laruin si ainah. Kung hindi ka siguro umalis wala pa si ainah sa mundo ngayon.

Alam mo ba PA ngayon ko lang na realize yung mga ginagawa mong pag hihigpit sa akin. Kasi nung panahong andito ka pa takot pa akong gumawa ng kasalanan, takot pa rin naman ako ngayon pero andun na yung lakas ng loob at kapal ng mukha, yung mga sumunod sa akin ang wala ng takot. Tulad na lang ni manel inispoil nyo kasi kaya ayun lumalaking tarantada. Wala ng takot yun kung managot at malakas ang loob nyang sumuway kay mama. Yung mga kambal rin mahirap utusan panay away madalas matigas ang ulo. Si Jannet naman sobrang batugan. Walang alam gawin kundi mag basa ng mag basa. Tanghali na kung gumising at nananagot. Bastos na sila ngayon. Samantalang nung andito ka pa ambabaet nila at ako naman ang laging masama sa paningin mo.

Hindi na ako galit sayo ngayon nag move on na ko. Napatawad na kita sa lahat ng nagawa mo. Naiintindihan ko na rin ngayon bakit ka nagagalit. Para sa akin pala lahat ng yon magagamit ko pala sya in-da-near-future.

Naalala ko nun twing nag papa alam ako na sasama ako sa outing sa school o kahit ng barkada kelangan ko pa ipakausap sayo yung mga kasama ko payagan mo lang ako. Nung hinataw mo sa hita ko yung bakal ng side mirror mo sa motor kasi madaling araw na ko umuwi mula sa pag lalaro ng volleyball. Magang-maga yung kanang hita ko nun halos hindi ko magalaw kulay ube na nga matigas ako nun kaya nag pekpek shorts ako para makita mo yung ginawa mo sa akin. Na aalala ko rin nung bata ako madalas akong umuuwi mag-isa twing hinahatid ako ni mama o ng yaya ko sa iskul nung nalaman mo na umuwi na naman ako pinalo mo ako ng yantok na walis tambo maraming pasa ang katawan ko. Kaya nung dumating si mama mula sa trabaho eh nag away kayo at dinala mo ko sa ospital sinusumpong na pala ko. Na aalala ko rin nung bata ako kada hapon pag katpos ng Maria Clara kelangan matutulog na ko dahil pag naabutan mo ko sa labas ng bahay at nag lalaro papaluin mo na naman ako. Nung lumalaki na ko natakot na ko lumabas ng bahay iskul-bahay-iskul lang ang drama ko nun abutin man ako ng hapon eh extra kurikular naman yun sa iskul.

Lahat na ata sinalihan ko maging proud ka lang sa akin. Sumali ako ng MTAP kahit hindi ako magaling sa MATH masabi lang ng mga kumpadre mo na mana ako sayo. Nag ballet ako, Nag choir sa iskul at sa simbahan pero pinahintu mu rin kasi iniisip mo nag lalandi lang ako. Sumali rin ako sa Journalism kahit hindi ako magaling mag ingles. Bute naman at meron akong award na nakuha, At salamat na rin sa iskul kasi pinablish nila yung sinulat ko kaya ayun lumabas yung  pangalan ko sa iskul news paper. Kahit papaano naramdaman kong naging proud ka. Sumali rin ako sa drum n lyre org. pero mukhang nakasama pa yun kasi yun ang madalas na dahilan para gabihin ako at pagalitan mo ko. Pinahamak lang ako nun.

Nung high skul naman nag flaglet(parang majorette kaso flag naman yung hawak) ako. Natuwa ka kasi marami akong eksposyur. Sumali ako sa teyatro. Lahat na ata kulang na lang pati sa sorority sumali rin ako.

Pero mukhang mas kapansin-pansin ang angking talino ni Jannet natural lang ang lahat. natural na magaling sa math, natural na matalino sa english at natural na honor student walang eport di tulad ko kelangan ko pa iuntog ulo ko sa libro tumalino lang. Kelangan ko pang gayahin ang galing ng ibang tao sa pag eenglish para masabing magaling rin ako. Lahat yun ginawa ko para hindi mo na ko pagalitan kaso mainit talaga dugo mo sa akin.

Kaya pala PA ayaw mo ko lumalabas sa gabi at tumatambay sa bahay ng barkada kasi panget pala sya tignan panay lalake kasama ko tapos aapat lang kaming babae. Pero lam mo PA wala naman talaga kami ginagawang masama aktuwali nag katuluyan na yung 4 na couple dun. Pero huwag ka mag alala hindi ako kasama sa nag katuluyan na yun. Maraming bagay na ngayon ko lang naisip na tama ka pala. Nalulungkot nga ako kasi hindi kita napahalagahan nung andito ka pa. Nag matigas pa rin ako kahit sa mga huling sandali mo dito. Pasensya kana kung hindi kita nabantayan sa ospital galit kasi ako sayo nun paano kasi binantayan na nga kita pinag tatabuyan mo parin ako, feeling ko galit ka pa rin sa akin, feeling ko ako parin sinisisi mo bakit nakahiga ka sa maliit na kamang yon. Pasenya na kung pumunta lang ako kasi malapit ka na raw umalis. Tulog ka na nun pero alam ko na nakakarinig ka pa rin. Alam ko na naririnig mo ko. Narinig mo ba yung sinabi ko sayo? Lam mo PA gagawin ko pa rin lahat ng pinangako ko sayo. Kahit may anak na ko mag tatapos pa rin ako sa pag nanarsing ko, pupunta pa rin ako sa London at bibili pa rin ako ng bahay para kay mama at sa 4 ko pang sisteret. Pasensya na kung hindi ko natupad yung una kong pinangako. Nabuntis kasi ako eh. Pasensya na talaga.

Alam ko namang masaya ka jan kasama mo yung bespren mo at si tito babeng. Nag kita na ba kayo ng erpats mo? Hay naku PA miss na kita lalo na pag pasko at twing bagong taon. Hindi na rin kasi kasing saya ang pasko nung andito ka pa kumpara  nung nawala ka. Hindi na namin makuhang mag celebrate ng bonggang-bongga eh bukod sa wala kaming pang handa, wala ka rin kasi. Huwag ka mag alala PA ngayong darating na pasko mag seselebrate kami.

PS: PA bulungan mo naman minsan si mama. huwag kamo sya susuko sa hirap at bigat ng problema. Makaka ahon rin kamo kami. Pakatatag kamo sya.

 

 

xoxo!!

I freakin hate my bad ass attitude. Yeah. It always reminds me of evil. Iam MEAN.

I hate my boyfriends Ex-girlfriend.

Mor mor english talaga. eniweis, Ayun nga asar na asar talaga ko dun sa Ex ng Bf ko. Panu kasi unang salubong pa lang namin eh may ginawa na sya.

Aktuwali ako ang may pasimuno nung panahon na yun. Inaasar ko ng inaasar yung bf ko dun sa ex nya. Naglalakad kami sa corridor tapos nasa unahan namin yung grupo ng  Ex nya. Ambagal nila mag lakad so nag over take kame. Inaasar ko na sya “mahal oh si ex HONEY MO, uyyy kinikilig” sabay tawa ng malakas. Lumingon ako para pang-asar na ngumiti sa kanya. Papunta kami sa nursing office para kumuha ng skedule. Nasa labas yung ex nya nag hahanap ng skedule ng duty. Habang nasa loob kami pinapasok ng ex nya yung kaibigan nya para mag espiya. So lumabas ako mag-isa yun dinarag ako ng mga kasama nya. Sinabihan nya ko ng YOUR SO MEAN. Wala talaga ko idea na ako yung sinasabihan nya. Hinanting ko sya sa skul eh wala naman sya. Inabangan ko sya sa mga posibleng dadaanan nya.

Maliit lang ang campus sa building naming mga nursing kami madalas na mag ksalubong. So lagi ko syang inaabangan sa labas ng C.R pag sya lang mag-isa eh hindi sya kaagad lumabas tinetext nya pa yung mga kaibigan nya sunduin lang sya. Minsan pag sinusundo ako ni aeyh sa classroom at pag nakakasalubong nya eh tinatalikuran nya bf ko. Ang nakaka asar pa dun eh lagi nya ko sinisilip sa classroom. Na tetyempuhan ko na nakatingin sya sa akin kaya tinataasan ko sya ng kilay. Hindi ako pwede lumabas kasi may klase pa ko.

Ilang buwan din ang lumipas fourth year na sya stop naman ako kasi nanganak ako. Ina add ko sya sa account ng baby ko. At dun eh nag message sya. Na kina clarify lang nya sa bf ko na hindi nya ko kilala at hindi pa kami nag kikita. Nag sosorry sya sa ginawa ng tropa nya. Eh hindi ako nakuntento dun. Nilabas ko lahat ng asar ko sa kanya. Sabihan ba naman bf ko na she’s not affected daw nung nag break sila. kairita ha. So sinabihan ko sya ” haller as if naman minahal ka talaga ng bf ko” At ayun na pikon siguro binura nya  bf ko sa friendslist nya. Hais.

So dun na ko nag umpisang gumawa ng mga bagay sa ikaka inis nya. Ina add ko sya sa extra friendster ko para lang makita yung mga updates sa kanya at ang mga recent photos nya. Madalas ko syang i message using different account. Na may poging fez ng guy. Malandi sya kaya mor entertain sya. Madalas ko syang sabihan na ang ganda nya at kras ko sya. Akala nya kasi guy yung may ari. So nairita na namn sya binura nya ko sa friends list nya.

Sa totoo lang ayoko talagang gawin yun pero parang may maliliit na boses na nag uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na yun.

Hindi naman ako insecure sa kanya tulad ng pinaparatang nya sa akin. Pero hindi ko rin naman alam kung in-denial lang ako pero inggit talaga ko. Asar lang talaga ko sa kanya at natutuwa akong pag tripan sya. Tuwang-tuwa talaga ako pag napipikon sya. Nag uumenglish kasi pero pag nireplayan mo ng english hindi makasagot. Nakaka engot kausap yung babaeng yun. Pero ganun pa man umiikot pa rin ang attensyon ko sa kanya.


HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!

ayoko na.. Tama na ang pang-aasar. Pag buview sa mga pictures nya. Ayoko na. Gusto ko na syang tantanan pero may bagay na humihila sa akin na gawin yun. PAPA Jesus tulungan nyo po ako. Ilayo nyo po ako sa masamang gawain. Masaya naman po ako sa buhay ko ngayon, sa aming dalawa ng bf ko, masaya na po ako bakit po ayaw akong lubayan ng ganitong feeling…

Stop it na.. AYOKO NA SAYO.

Paalam malanding babae.

 

Sira na ang apat na ngipin ko sa harap yung dalawang mag katabi hati sa gitna, na paeang ngipin ng mga bata yung dalawang mag katabi eh gusto ng sumunod sa landas ng dalawa pang nauna. Bukod pa dun bulok na rin lahat ng nasa dulo. Ewan ko ba hindi naman ako pabaya sa pag tututbrush ng maliit kong ipin pero nauunti-unti sila. Dalawa na ang ipin ng anak ko sa harap kaya siguro ganun kada tumubong ipin kay ainah sya namang tanggal ng sa akin. Kakabanas.

Gusto ko ng wakasan ang panget kong imahe. At ibalik ang dati.  nuon Buo ang ngipin. Malayang nakakangiti sa mga tao kahit hindi ko kakilala, gusto ko ng tumawa ng hindi tinatakpan ang bibig ko. Naalala ko nuon magaling akong mang-asar sa pamamagitan ng isang magandang pag ngiti.

Tandang-tanda ko pa nung unang masira ang ngipin ko sa harap. March 10, debut ng dating kong matalik na kaibigan (ngayon e mortal ko ng kaaway). Maharot ako. Lasing na lasing. Nasayaw ako ng :my humps” sa harap ng cottage marami ang nakatingin at namamangha dahil sabay na sabay kami ni Hazel. Nag yabang ako. Gumawa ang ng exhibition na hindi ko naman pala kakayanin. Mag wa-onehande freeze sana ko umiikot ako, unag try okey bravo, hindi ako na kuntento isa pa ibang angulo naman. Ayus nag tumbling ako pag ikot ko bagsak ang nguso ko sa sahig na tiles boom basag ang ngipin ko.. kaasar. iyak dito iyak don..

Sumunod na basag ng ipin ko nung July lang. Nag haharutan ang mag-ama ko biglang humiga anak ko sa mukha ko pwesto. Basag na naman sa gitna pa ha..

Kagabi naman nag wawala sya kasi gusto dumede eh tulog na ko. Sobrang nag papansin si ainah kaya ayun nagising ako sa malakas na tunog ng ngipin ko. Dali-dali kong kinapa ipin ko.  Hindi sya natanggal Thank God pero may crack na sya. Nangingilo na ko nasigawan ko si ainah at nag paawa epek sya kay mother dear at bigla rin ako sinigawan na huwag ko raw pagalitan yung bata kasi hindi sinasadya.

Ngayon nag dedesisyon ako kung ipapapustiso ko ba o ipapa jacket.

kung pustiso hindi na ko makakapag daldal kasi baka malaglag kung jacket baka hindi ko kayanin ang singil.

Help me naman po.. anu sa tingin mo maganda?

 

Next Page »