Grrrrr.. Na hack ang friendster ko last thursday after ko mag log-in sa isang computer shop na madalas kong daanan bago umuwi. Nalaman ko na hinack yung friendster ko nung sabado na kasi nag check ako sa bahay.
Maintenance kasi ang friendster nung friday kaya di ako nakapag bukas.
Unang try nag failed hindi raw nirerecognise yung email add ko as friendster log-in so chineck ko email add ko walang confirmation na sinend dahil sa hawak ko ang account ng anak ko sinubukan kong mag log-in at pumasok ako.
Nakita ko na may bagong pinost na shout out ang account ko “LOAD 115 09075006580 TO WANT YOUR PROFILE BACK -HACKER”
Napa shit talaga ko sa galit. Pinalitan nya ang email-address ko, ginawa nyang private ang mga photo albums ko. Dahil sa kateng-kati ko na mabawi ang friendster ko tinext ko ang walang-hiya. Ibabalik daw nya basta paloadan ko sya. Sabi ko hahatiin ko yung pag bigay ng load para sigurado. Aba ayaw pumayag.
Hanggang ngayon hindi ko parin sya pinapaloadan iniisip ko pa kung papaloadan ko sya.
Ayoko na gumawa ng bago. Kasi hassel na yun mag uumpisa ulet ako sa zero. Friendster na ang naging buhay ko pamula pa nung high school dun ko natagpuan ang mga classmates ko nung elementary. Marami ng recognition ang account na yun. Nahirang na yun bilang pina sikat nung 2007.
Gusto ko paring makuha ang account kong yun ng walang binibigay na load sa animal na yun..
Tulungan nyo naman ako mabalik yung friendster ko……. please..














You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.You are light hearted and accepting. You don’t get worked up easily.


