I freakin hate my bad ass attitude. Yeah. It always reminds me of evil. Iam MEAN.
I hate my boyfriends Ex-girlfriend.
Mor mor english talaga. eniweis, Ayun nga asar na asar talaga ko dun sa Ex ng Bf ko. Panu kasi unang salubong pa lang namin eh may ginawa na sya.
Aktuwali ako ang may pasimuno nung panahon na yun. Inaasar ko ng inaasar yung bf ko dun sa ex nya. Naglalakad kami sa corridor tapos nasa unahan namin yung grupo ng Ex nya. Ambagal nila mag lakad so nag over take kame. Inaasar ko na sya “mahal oh si ex HONEY MO, uyyy kinikilig” sabay tawa ng malakas. Lumingon ako para pang-asar na ngumiti sa kanya. Papunta kami sa nursing office para kumuha ng skedule. Nasa labas yung ex nya nag hahanap ng skedule ng duty. Habang nasa loob kami pinapasok ng ex nya yung kaibigan nya para mag espiya. So lumabas ako mag-isa yun dinarag ako ng mga kasama nya. Sinabihan nya ko ng YOUR SO MEAN. Wala talaga ko idea na ako yung sinasabihan nya. Hinanting ko sya sa skul eh wala naman sya. Inabangan ko sya sa mga posibleng dadaanan nya.
Maliit lang ang campus sa building naming mga nursing kami madalas na mag ksalubong. So lagi ko syang inaabangan sa labas ng C.R pag sya lang mag-isa eh hindi sya kaagad lumabas tinetext nya pa yung mga kaibigan nya sunduin lang sya. Minsan pag sinusundo ako ni aeyh sa classroom at pag nakakasalubong nya eh tinatalikuran nya bf ko. Ang nakaka asar pa dun eh lagi nya ko sinisilip sa classroom. Na tetyempuhan ko na nakatingin sya sa akin kaya tinataasan ko sya ng kilay. Hindi ako pwede lumabas kasi may klase pa ko.
Ilang buwan din ang lumipas fourth year na sya stop naman ako kasi nanganak ako. Ina add ko sya sa account ng baby ko. At dun eh nag message sya. Na kina clarify lang nya sa bf ko na hindi nya ko kilala at hindi pa kami nag kikita. Nag sosorry sya sa ginawa ng tropa nya. Eh hindi ako nakuntento dun. Nilabas ko lahat ng asar ko sa kanya. Sabihan ba naman bf ko na she’s not affected daw nung nag break sila. kairita ha. So sinabihan ko sya ” haller as if naman minahal ka talaga ng bf ko” At ayun na pikon siguro binura nya bf ko sa friendslist nya. Hais.
So dun na ko nag umpisang gumawa ng mga bagay sa ikaka inis nya. Ina add ko sya sa extra friendster ko para lang makita yung mga updates sa kanya at ang mga recent photos nya. Madalas ko syang i message using different account. Na may poging fez ng guy. Malandi sya kaya mor entertain sya. Madalas ko syang sabihan na ang ganda nya at kras ko sya. Akala nya kasi guy yung may ari. So nairita na namn sya binura nya ko sa friends list nya.
Sa totoo lang ayoko talagang gawin yun pero parang may maliliit na boses na nag uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na yun.
Hindi naman ako insecure sa kanya tulad ng pinaparatang nya sa akin. Pero hindi ko rin naman alam kung in-denial lang ako pero inggit talaga ko. Asar lang talaga ko sa kanya at natutuwa akong pag tripan sya. Tuwang-tuwa talaga ako pag napipikon sya. Nag uumenglish kasi pero pag nireplayan mo ng english hindi makasagot. Nakaka engot kausap yung babaeng yun. Pero ganun pa man umiikot pa rin ang attensyon ko sa kanya.
HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!
ayoko na.. Tama na ang pang-aasar. Pag buview sa mga pictures nya. Ayoko na. Gusto ko na syang tantanan pero may bagay na humihila sa akin na gawin yun. PAPA Jesus tulungan nyo po ako. Ilayo nyo po ako sa masamang gawain. Masaya naman po ako sa buhay ko ngayon, sa aming dalawa ng bf ko, masaya na po ako bakit po ayaw akong lubayan ng ganitong feeling…
Stop it na.. AYOKO NA SAYO.
















