hatred


I freakin hate my bad ass attitude. Yeah. It always reminds me of evil. Iam MEAN.

I hate my boyfriends Ex-girlfriend.

Mor mor english talaga. eniweis, Ayun nga asar na asar talaga ko dun sa Ex ng Bf ko. Panu kasi unang salubong pa lang namin eh may ginawa na sya.

Aktuwali ako ang may pasimuno nung panahon na yun. Inaasar ko ng inaasar yung bf ko dun sa ex nya. Naglalakad kami sa corridor tapos nasa unahan namin yung grupo ng  Ex nya. Ambagal nila mag lakad so nag over take kame. Inaasar ko na sya “mahal oh si ex HONEY MO, uyyy kinikilig” sabay tawa ng malakas. Lumingon ako para pang-asar na ngumiti sa kanya. Papunta kami sa nursing office para kumuha ng skedule. Nasa labas yung ex nya nag hahanap ng skedule ng duty. Habang nasa loob kami pinapasok ng ex nya yung kaibigan nya para mag espiya. So lumabas ako mag-isa yun dinarag ako ng mga kasama nya. Sinabihan nya ko ng YOUR SO MEAN. Wala talaga ko idea na ako yung sinasabihan nya. Hinanting ko sya sa skul eh wala naman sya. Inabangan ko sya sa mga posibleng dadaanan nya.

Maliit lang ang campus sa building naming mga nursing kami madalas na mag ksalubong. So lagi ko syang inaabangan sa labas ng C.R pag sya lang mag-isa eh hindi sya kaagad lumabas tinetext nya pa yung mga kaibigan nya sunduin lang sya. Minsan pag sinusundo ako ni aeyh sa classroom at pag nakakasalubong nya eh tinatalikuran nya bf ko. Ang nakaka asar pa dun eh lagi nya ko sinisilip sa classroom. Na tetyempuhan ko na nakatingin sya sa akin kaya tinataasan ko sya ng kilay. Hindi ako pwede lumabas kasi may klase pa ko.

Ilang buwan din ang lumipas fourth year na sya stop naman ako kasi nanganak ako. Ina add ko sya sa account ng baby ko. At dun eh nag message sya. Na kina clarify lang nya sa bf ko na hindi nya ko kilala at hindi pa kami nag kikita. Nag sosorry sya sa ginawa ng tropa nya. Eh hindi ako nakuntento dun. Nilabas ko lahat ng asar ko sa kanya. Sabihan ba naman bf ko na she’s not affected daw nung nag break sila. kairita ha. So sinabihan ko sya ” haller as if naman minahal ka talaga ng bf ko” At ayun na pikon siguro binura nya  bf ko sa friendslist nya. Hais.

So dun na ko nag umpisang gumawa ng mga bagay sa ikaka inis nya. Ina add ko sya sa extra friendster ko para lang makita yung mga updates sa kanya at ang mga recent photos nya. Madalas ko syang i message using different account. Na may poging fez ng guy. Malandi sya kaya mor entertain sya. Madalas ko syang sabihan na ang ganda nya at kras ko sya. Akala nya kasi guy yung may ari. So nairita na namn sya binura nya ko sa friends list nya.

Sa totoo lang ayoko talagang gawin yun pero parang may maliliit na boses na nag uudyok sa akin na gawin ang mga bagay na yun.

Hindi naman ako insecure sa kanya tulad ng pinaparatang nya sa akin. Pero hindi ko rin naman alam kung in-denial lang ako pero inggit talaga ko. Asar lang talaga ko sa kanya at natutuwa akong pag tripan sya. Tuwang-tuwa talaga ako pag napipikon sya. Nag uumenglish kasi pero pag nireplayan mo ng english hindi makasagot. Nakaka engot kausap yung babaeng yun. Pero ganun pa man umiikot pa rin ang attensyon ko sa kanya.


HHHHHHHHHHHHHHHHHHHHEEEEEEEEEEEEELLLLLLLLLLLPPPPPPPPPPPPPPP!!!!!

ayoko na.. Tama na ang pang-aasar. Pag buview sa mga pictures nya. Ayoko na. Gusto ko na syang tantanan pero may bagay na humihila sa akin na gawin yun. PAPA Jesus tulungan nyo po ako. Ilayo nyo po ako sa masamang gawain. Masaya naman po ako sa buhay ko ngayon, sa aming dalawa ng bf ko, masaya na po ako bakit po ayaw akong lubayan ng ganitong feeling…

Stop it na.. AYOKO NA SAYO.

Paalam malanding babae.

 

Kahapon, pag katapos ko mag novena sa baclaran na tutukso ang mga kamay ko na gumastos. ang daming magagandang designer bags tipong class A. Pero kulang ang oras ko para mag ikot. May mga bet din akong sapatos at damit. amf. Pigil-pigil-pigil. Natuwa ako kasi naiwasan ko ang isa sa matindi kong bisyo. So nilisan ko na ang mga mapang akit na tindahan. Habang naakyat ako sa overpass nakakita ako ng mga baby. Namamalimos, madumi at mukhang gutom na gutom. Nainis ako.

Kahit nung wala pa akong anak naiinis na ko sa mga magulang ng mga batang namamalimos sa daan. Naiinis ako hindi dahil namamalimos sila sa akin, naiinis ako dahil sa murang edad nila nararanasan na nila ang lupet ng mundo at lalo na ng lupet ng mga tao. Nung buhay pa si father dear madalas kami mag simba sa baclaran, sabi nya sa akin sindikato daw yung mga yun. kaya kung makulet ako eh ibibigay nya ko sa leader.

Sa mga leader ng sindikato: HINDI AKO SANG AYON SA GINAGAWA NYO MGA ANIMAL, ANG KAKAPAL NG SIKMURA NYO. KUNG GUSTO NYO YUMAMAN MAG BANAT KAYO NG BUTO. PUTANG INA NYO.

hindi ko rin magets ang punto ng mga magulang ng mga batang yun. Kung bakit natitiis nyo na nababasa ng ulan ang mga batang walang malay, nagugutom, hubad at babad sa mausok na hangin. kumakaen ng basura at nanlilimos mabuhay lang ang hayop na leader na yan. ANONG KLASE KANG MAGULANG. Hindi ko tatanggapin ang dahilan mong KAHIRAPAN, dahil ako eh mahirap din. Pare-pareho tayong mahirap.

Naisip ko kung mayaman lang ako aampunin ko lahat ng mga batang (yung bata lang as in edad 0-2) pakalat-kalat sa overpass. Gusto ko sila bigyan ng limos pero hindi yun ang sulosyon dun. Bigla akong nais sa gobyerno. nyeta anong gagawin nyo sa problemang to? Alangyangyan. Amfputaness.

Sa pag sakay ko ng bus nag iisip pa rin ako. Nagugutom ang mga batang yun kape ang nag sisilbing gatas nila, malamig ang semento, babad ang katawan walang suot na damit. Wala akong magagawa. Magalit man ako hindi ko pa rin sila matutulungan. Biglang pumasok sa utak ko ang mag-anak na nakita kong tulog sa bangketa. Naninimot ang bata ng tira-tira kong aysing sa binili kong tinapay. Tinataga ko sa bato hinding-hindi as in never to da highest level of never yan mangyayari sa pamilya ko, sa anak ko at sa lahat ng mahal ko sa buhay. Di bale ng mamatay ako kaka trabaho wag lang magutom at mamalimos ang mga mahal.

Nanawagan ako sa lahat ng mga company. Pag nag apply ako paki regular lang ako. Masipag po akong mag trabaho. Hindi po ako na absent nalalate lang pero hindi naman major late 3-8 mins late lang. Madali ako utusan, wala akong arte sa trabaho. Magaling ako makisama, maalindog rin at higit sa lahat magaling gumiling ng otcho-otcho.

INSEKTA- from gaytionary. meaning INSECURE. INGGITERA. 

Buhay nga naman ng tao. Kundi ikaw ang kinaiinggitan ikaw ang naiinggit. Siguro binigay talaga ng Diyos ang pantay-pantay na pag tingin sa tao. Nasa tao lang kung papaano sila titingin sa kapwa tao nila. Ako kasi bilang dyosa eh pantay-pantay lang tingin ko sa tao.

gandara- mayaman. pag maganda ka marami kang kaibigan. Andiyan yung kinakaibigan ka kasi malapit ka sa boys nakiki hitch sa kasikatan mo pero deep inside inggit na inggit yan sayo. Kaw na maraming lalake aba eh kahit ako baka mainggit na sayo. Meron din namang mega kalat ng nega tungkol sayo wala naman kayong pinag awayan, tampuhan, o kung anu pa mang pwedeng pag mulan ng ikakasira nyo. Well dalawa lang naman ang pwedeng dahilan nyan at pinag kakalat nya ang mga nega mo, una para ma T.O ang mga boys sayo at layuan ka nila at nang masolo naman nya ang mga lalake o naiinggit sya kaya dun ka nya titirahin.

ma anda- mayaman. Yan naman eh halos lahat ata ng tao lalo na yung hindi mayaman(no offense ha) eh meron inggit feeling sa mga ma anda. Andiyan yung mga kaibigan nating social climber na present sa mga kwentuhan ng mga ma aanda. Pag nag kwento na ang ma andang bida eh parang recitation dahil mag tataas ng kamay si social climber at sasabihin ako rin may ganito, may ganyan, nag punta na sa ganito, galing na sa ganyan. Madalas eh si social climber pa ang pasimuno ng mga pasosyal na kwentuhan pero panisinin mo madalas nilang sabihin na yung kaibigan nila eh ganito, ganyan. Bibihira ang pag bida sa sarili playing safe si social climber para nga naman pag nabisto eh ang palusot ni social climber eh yung kaibigan nya yun. Kelangan talaga eh makipag taasan din ng wiwi si social climber sa ma andang bida. Kung minsan naman eh hahanapan ng butas si ma andang bida kung trulalu ba na ma anda ito, bet nyang gumora sa balay ni ma andang bida kung minsan eh mapanghamon pa ang drama tipong show me the money you got. Kundi ba naman naiinggit yung ganun. Pero sa sarili kong opinion mas marami ang user sa mga ma aandang bida kumpara sa insekta.

sikat- no gay term. sikat as in plain. sikat ka lang kahit hindi ka maganda parang ako lang yan eh. sikat ako sa opis kasi mahilig ako mag joke biglang sikat ang mga binibitawan kong lines. At kahit ganito lang ako eh meron pa lang naiinggit sa akin. Ginagaya ang joke ko, lines ko, pati na rin kung papaano ko mag salita. Okey lang naman sa akin yung gayahin ang ako pero yung paratangan mo ako na ako ang gumaya sayo? Hindi ba’t nakaka awa ka? kahit paratangan mo ko na ako ang gumagaya ng mga linya mo kung sa akin naman nila madalas at araw-araw naririnig nakaka hiya pa rin hindi ba? Hindi lang yun andiyan yung malimit akong panisinin lalo na kung butas ang damit ko. OO alam ko na opisina ito at kung mag susuot ako ng damit na may maliliit na butas eh hindi naman dapat malaking bagay sa tulad nilang mga insekta bakit kanyo. Sisigaw ba yung damit ko na may butas sya? hindi naman di ba? hindi naman kapansin-pansin yung butas unless pag dating ko all eyes on me kana kaagad. Pati rin ang sapatos kung suot. Aaminin ko cute talaga sya>>. Bukod pa diyan eh hindi lang ako ang meron nyan sa opis so nung unang araw na sinuot ko yan issue na kagad yan sa mga makakating-dila. Iniisip nila na insekta ko kaya mor buy ako nyan. In fact gusto ko talaga yan naunahan lang ako bumili. Andiyan din yung maraming tanong ng ilan bute raw pinapa pasok ako eh bawal yun. Basta sikat lahat ng pwedeng masita sayo sistahin. Mapa nega o pasitib yan wala kang kawala.

Maraming tao, maraming inggit, maraming kina iinggitan. Wala naman tayong magawa kung dumarami sila. Doon sila nabubuhay kaya hayaan na lang natin sila. Pero wag natin silang hayaan na itulak tayo pababa at mag reyna sila sa taas. Aminin man natin o hindi. sabihin man natin na hindi tayo apekted, hallerr nakaka irita sila.

Ikaw marami rin bang insekta sa paligid mo?!

from the book of gay lingo:

pepper/peppermint(paminta) – katawang lalaki (macho) pero pusong babae.

Marami akong kilalang ganyan aktwali may naka away na kong Sup. dahil sa salitang peppermint.

Dahil sa babaeng bakla ako paborito kong ekspresyon ang salitang paminta, peppermint at sinasamahan ko pa yan ng pag arte na nahahatsing ako. Frustated artista yata ako.  Alam ng buong barkada ko yan. Isang masayang tawanan: Yung dalawang Sup eh nag apir at parang umarte na namiss nila ang isat isa. natural na biruan ng mga lalaki ako naman bilang palabiro nag sambit ako ng “te sight mo mga peppermint oh achuuu achuuu”.

Nagulantang ako sa pag tawag ng isang Sup. (na wala naman sa eksena nakiki eksena lang)  sa pangalan ko, nanlikisik ang kanyang mga mata at buong galit nyang sinabi na “AYOS AH ISA PA!!!”  may hang-over pa rin ako sa isang masarap na tawanan dali-dali ko syang tinanong na anu yon? Nag walkout sya at hindi nya ako nilingon pero dahil sa natatawa ako tinanong ko sya na “yung peppermint? yung peppermint ba?” nasa utak ko na baka yun yung kina galit nya. Kasi yun yong huli kong sinabi/ nabanggit pero hindi naman sya ang tinutukoy ko dun.

Nakaramdam ako ng pagbabanta sa mga linyang binitawan nya hindi lang kasi yun ang unang beses na ginawa nya sa akin yun. Galit na galit ako nung mga oras na yun. Sa galit ko ay nag sumbong ako sa Boss ko na umiiyak. Galit ako at gusto ko syang sapakin. Tadjakan at ipasagasa sa 1o wheeler na trak. Nakita nya akong umiiyak sa Boss ko ang sama pa nga  ng tingin nya eh. Sinabi ng boss ko na sige bukas na natin yan pag usapan umuwi ka na muna at mag pahinga.

Kinabukasan napag desisyonan ng buong grupo na mag sampa ng kaukulang aksyon sa ginawa ng Sup na yon. Nag pasa ako ng INCIDENT REPORT o IR sa big boss ng boss ko. Syempre feeling winner ang eksena ko kasi naunahan ko sya. After 24 hours pumutok na sa buong team nya ang ginawa ko galit na galit sya. Hindi nya inaasahang magagawa ng isang tulad ko ang ilagay sya sa ganung eksena.

Gumawa sya ng sarili nyang eksena. Pilit nyang hinihingi ang pangalan ng dalawa kong witness eh matigas ang 2 bakla hindi nila bibigay at mega nag tataas na ng boses ang mayabang na Sup. Maya-maya ay lumapit ang boss ko at tinawag ang 2 kong witness kakausapin daw sila nung mayabang na Sup. (nalaman ko naman lahat ng pinag usapan nila kaya di na ko pupunta sa mga detalye pa baka maboring kayo).

Kinausap nya rin ang boss ko, nag tatampo daw sya sa boss ko kasi bakit naman daw inakyat pa sa taas eh pwede naman syang kausapin. *haaaaaaaaallllllllllllllllleeeeeeeeeerrrrrrrr nakita mo na ko na naiyak sa boss sana man lang pag alis ko lumapit ka at kinausap mo sya na may ginawa ako sayo o may sinabi ka akin db?*.

Isipin mo na lang kung tunay kang lalaki hindi ka dapat mag rereact pag tinawag kang peppermint, ikaw bukod sa ibang tao ang nakaka alam ng pagka tao hindi ba? unless may tinatago ka.  Hindi pinag uusapan dito kung nakaka Sup ka at nakaka taas ka sa agent. Porke ba nakakataas ka na eh may karapatan ka ng manakot o mamahiya? o mang hamak ng isang agent?

Ang tunay na lalaki pag tinawag mo ng bakla ang mga gagawin nyan:

  • hindi lilingon (kasi iisipin mo na hindi ikaw yun)
  • mag papanggap na bading (mag babading-badingan)
  • lolokohin mo na hahalikan mo sya

Sa case ko ang nangyari eh isang tunay na lalaki(kuno) napikon sa salitang paminta kahit hindi naman sya ang pinapatungkulan ng salita. Nag banta sa isang walang malay na BABAE. Bilang ganti nya sa akin eh nag imbestiga sya sa mga ka-team ko tungkol sa ugali ko. Pang gabi ang skedule nya at umeeport sya na kausapin ang iba pang Sup. para ikwento ang nangyari at sabihing masama talaga ang uagali ko. Ultimo mga kaibigan ko sinasabihan nyang wag ako kampihan kasi hindi nila ko kilala at masama talaga ang ugali ko. At pinag away nya pa kami ng kaibigan kong bading. Sinabi nya na itinuro ko daw si jobby na nag kakalat ng tsismis na bading ang mayabang na Suo na yun. Syempre ang walang malay na bakla nagalit sa akin.

Isa pa kung lalaki ka talaga bakit ang galing mo mag kalat ng tsismis(na tungkol naman sayo). Imbes na hindi malalaman ng ibang tao na may ganoong issue sayo mega kwento ka pa na tsitsismis ka na bading ka.

Wala akong masamang reaksyon sa mga taong bading (kasi bading rin ako na nag tatago sa katawan ng seksing babae), saka ang mga kaibigan ko ang mga bading.

Wala rin akong galit sa mga paminta. Naiinitindihan ko kayo mga ate na hindi kayo makalabas jan sa closet nyo kasi marami kayong sinasa-alangalang. Pero aminin nyo masarap ang nota at masarap mag pa uring lalo na kung doggie di ba?

Ako ay isang opinyonadong tao. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Magalit na ang gusto magalit. Wala akong magagawa. Pero kung ako sayo paka totoo ka kasi hindi lahat ng oras matatago mo ang landi sa katawan mo kusa yang lalabas at hindi mo yan mapipigilan. Masarap mag landi, lumandi at makipag landian lalo na kung may kasamang maka mundong pag nanasa.

AT PARA SA MAYABANG NA SUP. NA PEPPERMINT NAMAN: good luck sayo te, good luck sa kayabangan mo, goodluck sayo sa pag dedeny mo. Alam mo bang susunugin ka sa empiyerno sa mga ginagawa mo. At alam mo bang mag kikita tayo dun? duon walang mataas, walang agent, walang sup. patas ang labanan so humanda ka kasi oras na mauna ko dun hihilahin kita pababa.  mama mary di lab mo ko? di ba hindi mo ko  kukunin kagad?  nyenyenye..

Alam mo bang hanggang nagyon eh naiirita pa rin ako sayo?

Gaga ka kasi.

Hindi ko makalimutan ang tapang-tapangan moment mo with your uber sa panget na friends. Alam mo bang ginambala mo ang katuwaan namin mag jowa>?oo at ikaw lang naman ang pinag tatawanan namin ng ex- HONEY  mo. Masyado bang malakas ang arrive ko sayo kaya natakot ka at nag tawag ka pa ng back-up para lang cornerin ako?

Hinding-hindi ko makakalimutan ang salitang ginamit ko para inisin ako ang sikat na sikat na “your so mean” habang tinitignan ng mga panget mong friends ang name plate ko. Hindi ako nakapalag kasi hindi ko alam na yun na pala yon. Para kasing pinag kaguluhan nyo lang ang kagandahan ko at parang hinihingi nyo lang ang autograph ko.

Alam mong hindi dun nag tapos ang lahat hinanap kita sa mga mababahong tambayan sa school; sa may basurahan, sa may canal. wala ka dun malamang eh nag kakalat ka na naman ng basura mo. Maliit ang campus. Nagkasalubong tayo sa isa sa mga tower. Umiwas ka. Inabangan kita sa labas ng C.R di ka lumalabas dun tinext mo pa yung kaklase mo para lang sunduin ka doon. Akala ko ba matapang ka? Mga bandang 1pm naka tambay kayo sa labas ng classroom dumaan ex- HONEY mo at nag tago ka sa likod ng classmate mo. Alam mong susunduin nya ko sa dulo ng hallway kung san ka nakatambay. Dali-dali kang bumaba ng floor akala  mo hindi mo kami masasalubong pero nagkakamali ka doon kami dumaan sa fire exit TANGA ka talaga nag kasalubong parin tayo.

Nung nakita mo ko na nakatambay sa labas ng classroom mo at naghihintay sa pag dating mo nag pahuli kang pumasok. Iniiwasan mo ko dahil alam mong inaabangan kita para mag higanti. At isagawa ang masama kong balak sayo.

Nakalipas ang isang taon mag papasko inadd ka sa friendster account ng baby ko nag message ka pa sa asawa ko at sinusumbong mo ko. TANGA  ka talaga. Nag message ako sayo ng personal tinalakan kita hindi ka napalag panay sorry ka pero bitter ka binura mo jowa ko sa friendslist mo.

Alam mo ba na balewala ka lang sa jowa ko. Easy-to-get ka lang kasi makate kang babae. Kaya wag kang mag malinis.

Hanggang ngayon gusto parin kitang sagasaan habang nag lalakad ka o kaya nama’y aabangan nalang kita sa labas ng bahay nyo at saka ko gagawin ang mga balak ko sayo. MALANDI ka.

Lakas din naman ng loob mong mag post ng picture na labas ang suso mo hellerrr ineng palakihin mo muna yan. Tigilan mo ang pag papatanggap, pag fefeeling na kagandahan ka dahil basura ka lang sa paningin ko.. TANG INA MO. Kung inaakala mo na naiinggit ako sayo well neng mahiya ka naman sa balat mo noh. Huwag kang mag feeling..

Next Page »