opisina


 

 

 

 

 

 

 

c fafa roel

tulog c bam

 

 

 

Naka leave ang poging-pogi kong boss hanggang biyernes sakto naman na bukas team building namin pero walang dapat ipag alala bukod sa naka leave sya at na sakanya ang ambagan naming 4,200 hindi kami iinjanin ni boss nangako sya. Pero bago kami umuwi kahapon na alala nya na wala syang gas. mama mary wag naman po sana [peaceawt boss].

Ligalig ang mga bakla, wala ang hari kaya malayang nakakapag landi, malayang mag laro, gumala at malaya kaming wag gumawa ng trabaho. Pero wais si boss may mga mata syang itinanim sa paligid namin. Masaya kaming nag tatawanan sabagay anu pa bang bago dun ke andito si boss ke wala masaya kaming nag tatawanan. Pero mukhang may MARTIAL LAW PART TWO ang drama dito sa company. Bawal na ang tumawa ng malakas dito sa floor. Bawal ng mag kumpol-kumpol na parang tubol. Bawal ng mag hubad ng sapatos (parang nasa bahay lang), Bawal ng makalat (na parang scavenger), Bawal na mag lagay ng cellphone sa ibabaw ng station ginagamit man o hindi. Mahigpit na ring ipinapatupad ang pag babawal sa pag pofloor walk o mas kilala sa tawag na rampage. Bawal na ang pagkain,inumin,  ang face powder at pati na salamin at suklay. Bawal ring itaas ang paa sa seat. Bawal na din ang pangit. Gusto kong magtanong para sa akin lang ba yan? Lahat kasi ng ipinag babawal eh ginagawa ko. bad happy.  Nakikinita kinita ko na ang eksena. Ang station ni T.L eh locker room na in da near future. At ang pag wewelga ng mga empleyado sa baba.

Habang masaya akong nakikipag tawanan sa mga ka opismeyt ko biglang lumapit si fafa roel at binigyan ako ng papel. Nabigla ako at na takot sa isip-isp ko anu kaya to? may isang malaking bawal yan nakasulat sa maliit na papel na may pulang tinta. Okey lang daw yun kasi pers written warning lang naman. Dahil sa matigas talaga ang panga ko. Tuloy ulit ang ligaya.

Mga ilang oras pa. (nag bibilang)….. mga isang oras lang pala.

Lumapit ulit si fafa roel at sinabi sa akin na ini mail na raw ako basahin ko raw sa folder ni T.L. so hinanap ko naman ang mail nakita ko at nakasulat dun ang bawal yan naku pangalawa na yan one year to clear pa naman yun. kinakabahan na ko mukang mapupurnada ang pag ka regular ko dito. Mukang hindi ko na maisasagawa ang mga makamundo kong pag nanasa sa kras ko. naku ha…

Break namin ngayon eto at nakapag yosi na ko habang huhigop ng kape at sinabayan ko na rin ng pagkuyakoy parang nasa starbucks ang drama ko. Sa ganda ba naman ng view sa smoking area tanaw na tanaw mo ang mga kotse sa parking lot pati ang view ng bacoor-zapote. Sinong hindi madadala. Napansin ko may 3 ash bin pero ang dami paring hindi marunong mag shoot ng cigar butts nila sa bin. Siguro nag lalaro sila ng shoot-that-upos yung mga sanay sa shoot-shootan eh

Sa powder room o mas kilala sa tawag na tsismisan corner nakaka iritang jumingle hindi ko alam kong mga baklang pakawala o babae ang gumagamit dun madumi ang rim ng bowl, bukod sa wala na ngang tissue eh hindi pa pinalish ang mga wiwi nila. ewwww. Maarte talaga ko. Ang sabi kasi ni mother lily sa akin makikita ang linis ng isang babae sa paraan kung paano sila gumamit ng banyo. Kung ikaw ay parang lalakwe na di pagpag style burara ka, mano ba naman yung gumamit ng tissue ng hindi naman mamanghe si pearl di ba? at mag flush pag katapos mo gumamit respeto na lang sa susunod na wiwi. Pwede rin namang punasan ang rim at lagyan ng tissue ng makaupo ka ng maayos hindi yung pinapatong mo yung paa mo na parang umeebs ka lang sa bahay. At ang nakakadiring lock ng pinto ng bawat cubicle imagine basa ito at amoy kepay. ewww talaga.  Nuon pa man maarte na talaga ko lalo na sa pag gamit ng banyo. Simula kasi ng nag karoon ang itchyness feeling after ko gumamit ng public comfort room eh naging super selan ko na talaga. Pwede bang mag email kay S.T.L na bigyan din ng written warning yung mga baboy gumamit ng c.r?

problema ko talaga yung maliit na papel na may pulang tinta na may nakasulat na bawal yan hehehehe.

INSEKTA- from gaytionary. meaning INSECURE. INGGITERA. 

Buhay nga naman ng tao. Kundi ikaw ang kinaiinggitan ikaw ang naiinggit. Siguro binigay talaga ng Diyos ang pantay-pantay na pag tingin sa tao. Nasa tao lang kung papaano sila titingin sa kapwa tao nila. Ako kasi bilang dyosa eh pantay-pantay lang tingin ko sa tao.

gandara- mayaman. pag maganda ka marami kang kaibigan. Andiyan yung kinakaibigan ka kasi malapit ka sa boys nakiki hitch sa kasikatan mo pero deep inside inggit na inggit yan sayo. Kaw na maraming lalake aba eh kahit ako baka mainggit na sayo. Meron din namang mega kalat ng nega tungkol sayo wala naman kayong pinag awayan, tampuhan, o kung anu pa mang pwedeng pag mulan ng ikakasira nyo. Well dalawa lang naman ang pwedeng dahilan nyan at pinag kakalat nya ang mga nega mo, una para ma T.O ang mga boys sayo at layuan ka nila at nang masolo naman nya ang mga lalake o naiinggit sya kaya dun ka nya titirahin.

ma anda- mayaman. Yan naman eh halos lahat ata ng tao lalo na yung hindi mayaman(no offense ha) eh meron inggit feeling sa mga ma anda. Andiyan yung mga kaibigan nating social climber na present sa mga kwentuhan ng mga ma aanda. Pag nag kwento na ang ma andang bida eh parang recitation dahil mag tataas ng kamay si social climber at sasabihin ako rin may ganito, may ganyan, nag punta na sa ganito, galing na sa ganyan. Madalas eh si social climber pa ang pasimuno ng mga pasosyal na kwentuhan pero panisinin mo madalas nilang sabihin na yung kaibigan nila eh ganito, ganyan. Bibihira ang pag bida sa sarili playing safe si social climber para nga naman pag nabisto eh ang palusot ni social climber eh yung kaibigan nya yun. Kelangan talaga eh makipag taasan din ng wiwi si social climber sa ma andang bida. Kung minsan naman eh hahanapan ng butas si ma andang bida kung trulalu ba na ma anda ito, bet nyang gumora sa balay ni ma andang bida kung minsan eh mapanghamon pa ang drama tipong show me the money you got. Kundi ba naman naiinggit yung ganun. Pero sa sarili kong opinion mas marami ang user sa mga ma aandang bida kumpara sa insekta.

sikat- no gay term. sikat as in plain. sikat ka lang kahit hindi ka maganda parang ako lang yan eh. sikat ako sa opis kasi mahilig ako mag joke biglang sikat ang mga binibitawan kong lines. At kahit ganito lang ako eh meron pa lang naiinggit sa akin. Ginagaya ang joke ko, lines ko, pati na rin kung papaano ko mag salita. Okey lang naman sa akin yung gayahin ang ako pero yung paratangan mo ako na ako ang gumaya sayo? Hindi ba’t nakaka awa ka? kahit paratangan mo ko na ako ang gumagaya ng mga linya mo kung sa akin naman nila madalas at araw-araw naririnig nakaka hiya pa rin hindi ba? Hindi lang yun andiyan yung malimit akong panisinin lalo na kung butas ang damit ko. OO alam ko na opisina ito at kung mag susuot ako ng damit na may maliliit na butas eh hindi naman dapat malaking bagay sa tulad nilang mga insekta bakit kanyo. Sisigaw ba yung damit ko na may butas sya? hindi naman di ba? hindi naman kapansin-pansin yung butas unless pag dating ko all eyes on me kana kaagad. Pati rin ang sapatos kung suot. Aaminin ko cute talaga sya>>. Bukod pa diyan eh hindi lang ako ang meron nyan sa opis so nung unang araw na sinuot ko yan issue na kagad yan sa mga makakating-dila. Iniisip nila na insekta ko kaya mor buy ako nyan. In fact gusto ko talaga yan naunahan lang ako bumili. Andiyan din yung maraming tanong ng ilan bute raw pinapa pasok ako eh bawal yun. Basta sikat lahat ng pwedeng masita sayo sistahin. Mapa nega o pasitib yan wala kang kawala.

Maraming tao, maraming inggit, maraming kina iinggitan. Wala naman tayong magawa kung dumarami sila. Doon sila nabubuhay kaya hayaan na lang natin sila. Pero wag natin silang hayaan na itulak tayo pababa at mag reyna sila sa taas. Aminin man natin o hindi. sabihin man natin na hindi tayo apekted, hallerr nakaka irita sila.

Ikaw marami rin bang insekta sa paligid mo?!

from the book of gay lingo:

pepper/peppermint(paminta) – katawang lalaki (macho) pero pusong babae.

Marami akong kilalang ganyan aktwali may naka away na kong Sup. dahil sa salitang peppermint.

Dahil sa babaeng bakla ako paborito kong ekspresyon ang salitang paminta, peppermint at sinasamahan ko pa yan ng pag arte na nahahatsing ako. Frustated artista yata ako.  Alam ng buong barkada ko yan. Isang masayang tawanan: Yung dalawang Sup eh nag apir at parang umarte na namiss nila ang isat isa. natural na biruan ng mga lalaki ako naman bilang palabiro nag sambit ako ng “te sight mo mga peppermint oh achuuu achuuu”.

Nagulantang ako sa pag tawag ng isang Sup. (na wala naman sa eksena nakiki eksena lang)  sa pangalan ko, nanlikisik ang kanyang mga mata at buong galit nyang sinabi na “AYOS AH ISA PA!!!”  may hang-over pa rin ako sa isang masarap na tawanan dali-dali ko syang tinanong na anu yon? Nag walkout sya at hindi nya ako nilingon pero dahil sa natatawa ako tinanong ko sya na “yung peppermint? yung peppermint ba?” nasa utak ko na baka yun yung kina galit nya. Kasi yun yong huli kong sinabi/ nabanggit pero hindi naman sya ang tinutukoy ko dun.

Nakaramdam ako ng pagbabanta sa mga linyang binitawan nya hindi lang kasi yun ang unang beses na ginawa nya sa akin yun. Galit na galit ako nung mga oras na yun. Sa galit ko ay nag sumbong ako sa Boss ko na umiiyak. Galit ako at gusto ko syang sapakin. Tadjakan at ipasagasa sa 1o wheeler na trak. Nakita nya akong umiiyak sa Boss ko ang sama pa nga  ng tingin nya eh. Sinabi ng boss ko na sige bukas na natin yan pag usapan umuwi ka na muna at mag pahinga.

Kinabukasan napag desisyonan ng buong grupo na mag sampa ng kaukulang aksyon sa ginawa ng Sup na yon. Nag pasa ako ng INCIDENT REPORT o IR sa big boss ng boss ko. Syempre feeling winner ang eksena ko kasi naunahan ko sya. After 24 hours pumutok na sa buong team nya ang ginawa ko galit na galit sya. Hindi nya inaasahang magagawa ng isang tulad ko ang ilagay sya sa ganung eksena.

Gumawa sya ng sarili nyang eksena. Pilit nyang hinihingi ang pangalan ng dalawa kong witness eh matigas ang 2 bakla hindi nila bibigay at mega nag tataas na ng boses ang mayabang na Sup. Maya-maya ay lumapit ang boss ko at tinawag ang 2 kong witness kakausapin daw sila nung mayabang na Sup. (nalaman ko naman lahat ng pinag usapan nila kaya di na ko pupunta sa mga detalye pa baka maboring kayo).

Kinausap nya rin ang boss ko, nag tatampo daw sya sa boss ko kasi bakit naman daw inakyat pa sa taas eh pwede naman syang kausapin. *haaaaaaaaallllllllllllllllleeeeeeeeeerrrrrrrr nakita mo na ko na naiyak sa boss sana man lang pag alis ko lumapit ka at kinausap mo sya na may ginawa ako sayo o may sinabi ka akin db?*.

Isipin mo na lang kung tunay kang lalaki hindi ka dapat mag rereact pag tinawag kang peppermint, ikaw bukod sa ibang tao ang nakaka alam ng pagka tao hindi ba? unless may tinatago ka.  Hindi pinag uusapan dito kung nakaka Sup ka at nakaka taas ka sa agent. Porke ba nakakataas ka na eh may karapatan ka ng manakot o mamahiya? o mang hamak ng isang agent?

Ang tunay na lalaki pag tinawag mo ng bakla ang mga gagawin nyan:

  • hindi lilingon (kasi iisipin mo na hindi ikaw yun)
  • mag papanggap na bading (mag babading-badingan)
  • lolokohin mo na hahalikan mo sya

Sa case ko ang nangyari eh isang tunay na lalaki(kuno) napikon sa salitang paminta kahit hindi naman sya ang pinapatungkulan ng salita. Nag banta sa isang walang malay na BABAE. Bilang ganti nya sa akin eh nag imbestiga sya sa mga ka-team ko tungkol sa ugali ko. Pang gabi ang skedule nya at umeeport sya na kausapin ang iba pang Sup. para ikwento ang nangyari at sabihing masama talaga ang uagali ko. Ultimo mga kaibigan ko sinasabihan nyang wag ako kampihan kasi hindi nila ko kilala at masama talaga ang ugali ko. At pinag away nya pa kami ng kaibigan kong bading. Sinabi nya na itinuro ko daw si jobby na nag kakalat ng tsismis na bading ang mayabang na Suo na yun. Syempre ang walang malay na bakla nagalit sa akin.

Isa pa kung lalaki ka talaga bakit ang galing mo mag kalat ng tsismis(na tungkol naman sayo). Imbes na hindi malalaman ng ibang tao na may ganoong issue sayo mega kwento ka pa na tsitsismis ka na bading ka.

Wala akong masamang reaksyon sa mga taong bading (kasi bading rin ako na nag tatago sa katawan ng seksing babae), saka ang mga kaibigan ko ang mga bading.

Wala rin akong galit sa mga paminta. Naiinitindihan ko kayo mga ate na hindi kayo makalabas jan sa closet nyo kasi marami kayong sinasa-alangalang. Pero aminin nyo masarap ang nota at masarap mag pa uring lalo na kung doggie di ba?

Ako ay isang opinyonadong tao. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Magalit na ang gusto magalit. Wala akong magagawa. Pero kung ako sayo paka totoo ka kasi hindi lahat ng oras matatago mo ang landi sa katawan mo kusa yang lalabas at hindi mo yan mapipigilan. Masarap mag landi, lumandi at makipag landian lalo na kung may kasamang maka mundong pag nanasa.

AT PARA SA MAYABANG NA SUP. NA PEPPERMINT NAMAN: good luck sayo te, good luck sa kayabangan mo, goodluck sayo sa pag dedeny mo. Alam mo bang susunugin ka sa empiyerno sa mga ginagawa mo. At alam mo bang mag kikita tayo dun? duon walang mataas, walang agent, walang sup. patas ang labanan so humanda ka kasi oras na mauna ko dun hihilahin kita pababa.  mama mary di lab mo ko? di ba hindi mo ko  kukunin kagad?  nyenyenye..

Next Page »