Hindi ako mabuting anak kaya gusto ko maging mabuting nanay kay ainah. Gusto ko sya palakihin si ainah na naka alalay ako. Takot ako na matulad ang anak ko sa akin. Yun ang kinakatakot ko. Hindi pa ako handa 21 pa lang ako wala akong sapat na karanasan pero sa pag kakataong ito gusto kong pag aralan ang mga bagay-bagay. Sabi nila eksperyens ang pinaka magaling mag turo.
Twing uupo ako sa harap ng tv at mapapanood ko ang komersyal ng lucky me. Yung may batang babae na nakaen mag-isa, kinakausap ang mga cameraman habang pinapakita ang istar sa kamay at may bakas ng takot ang pa kukwento nyang may mamang nangako na babalikan sya. Na gagalingan ako sa arte ng bata sa kabilang banda gusto ko maiyak, tulad ng sinabi ko ayoko mangyari sa anak ko at napanood ko sa tv. Gusto ko syang gabayan. Ituro na mali ang mga nakikita nya.
Natuto ako mag yosi 3rd year high skul pa alng ako. Hindi naman kalakasan ang payoyosi ko tamang 5-10 istik lang sa isang araw minsan nga eh wala talaga. Ganun din naman ang tatay ng anak ko. Natuto sya mag yosi nung umuwi sya dito sa pinas. (laki sa saudi ang daddy nya muslim kasi). So ako hindi ko papayagan na sa murang edad matuto mag yosi ang dalaga ko okey na sa akin yung naka graduweyt sya ng kolehiyo. Ganun ako ka bagsik.
Sa pag jojowa naman di ko rin bet na bata pa lang sya eh nag susway na sya ng palda. Pwede na sya mag BF pag naka graduweyt na sya.. Pwede rin naman kahit college basta walang motmot. Erase-erase-erase.
Ayoko ng tumatakas pa sya makapag party lang, mag paalam ng matino ng mapayagan.
Ayoko rin ng mananagot ng wala naman sa katwiran. Kung magaling syang mag palusot o mag dahilan eh mas magaling ako. Halleerr natalo ko na sa debate ang isang lawyer ng dahil lang sa pag singit nya ng kaibigan sa pila.
Maraming magulang na sa gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak nakakalimutan na nila na bigyan ng masusing attensyon ang mga anak nila. Madalas eh ang yaya pa ang nag babantay o minsan naman ibang tao pa. Kaya may mga narerape, may mga abusado, mga kidnapper.
Mga magulang mahal natin ang anak natin kaya wag natin silang hayaang lumaki ng mag-isa sa mundo.













