Hindi ako mabuting anak kaya gusto ko maging mabuting nanay kay ainah. Gusto ko sya palakihin si ainah na naka alalay ako. Takot ako na matulad ang anak ko sa akin. Yun ang kinakatakot ko. Hindi pa ako handa 21 pa lang ako wala akong sapat na karanasan pero sa pag kakataong ito gusto kong pag aralan ang mga bagay-bagay. Sabi nila eksperyens ang pinaka magaling mag turo.

Twing uupo ako sa harap ng tv at mapapanood ko ang komersyal ng lucky me. Yung may batang babae na nakaen mag-isa, kinakausap ang mga cameraman habang pinapakita ang istar sa kamay at may bakas ng takot ang pa kukwento nyang may mamang nangako na babalikan sya. Na gagalingan ako sa arte ng bata sa kabilang banda gusto ko maiyak, tulad ng sinabi ko ayoko mangyari sa anak ko at napanood ko sa tv. Gusto ko syang gabayan. Ituro na mali ang mga nakikita nya.

Natuto ako mag yosi 3rd year high skul pa alng ako. Hindi naman kalakasan ang payoyosi ko tamang 5-10 istik lang sa isang araw minsan nga eh wala talaga. Ganun din naman ang tatay ng anak ko. Natuto sya mag yosi nung umuwi sya dito sa pinas. (laki sa saudi ang daddy nya muslim kasi). So ako hindi ko papayagan na sa murang edad matuto mag yosi ang dalaga ko okey na sa akin yung naka graduweyt sya ng kolehiyo. Ganun ako ka bagsik.

Sa pag jojowa naman di ko rin bet na bata pa lang sya eh nag susway na sya ng palda. Pwede na sya mag BF pag naka graduweyt na sya.. Pwede rin naman kahit college basta walang motmot. Erase-erase-erase.

Ayoko ng tumatakas pa sya makapag party lang, mag paalam ng matino ng mapayagan.

Ayoko rin ng mananagot ng wala naman sa katwiran. Kung magaling syang mag palusot o mag dahilan eh mas magaling ako. Halleerr natalo ko na sa debate ang isang lawyer ng dahil lang sa pag singit nya ng kaibigan sa pila.

Maraming magulang na sa gustong mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak nakakalimutan na nila na bigyan ng masusing attensyon ang mga anak nila. Madalas eh ang yaya pa ang nag babantay o minsan naman ibang tao pa. Kaya may mga narerape, may mga abusado, mga kidnapper.

Mga magulang mahal natin ang anak natin kaya wag natin silang hayaang lumaki ng mag-isa sa mundo.

She’s not the mother lily you know. Yun ang tawag ko sa pinaka mamahal kong nanay.

 

Bukas September 5 birthday mo na yahooooo. Kaya pala madalas ang pag paparinig mo sa skin na masarap ba ang carbonara.? kunwari ka pa na hindi mo alam ang lasa nun, na hindi mo pa natitikman yun. Kagabe ko lang na alala na bukas biyernes eh kaarawan mo na.

Naalala ko nung nakaraan taon pala hindi kita na bati kasi nag tatampo ka sa akin dahil sa maaga kong pag landi. Dahil sa bati na tayo at mukhang napatawad mo na ko kaya mega parinig ka na ilibre naman kita sa labas.

Hays MADAM maligayang kaarawan sayo..

mahal na mahal na mahal kita..

Naiintindihan ko na ngayon ang importansya ng buhay, pera at oras. Alam kong tama lahat ng sinasabi mo kahit taliwas ito sa mga paniniwala ko. Alam kong kahit hindi ka mag salita na nasasaktan kita sa katigasan ng ulo ko e walang sawa mo pa rin iniintindi na normal yun sa mga katulad kong abnormal. Alam kong na dissapoint ka nung na buntis ako ng muslim kong jowa. Malapit na sana ko grumaduwayt sa kurso ko, tama ka nag practikum ako kagad. Konting hinga ng malalim eh makaka ahon kana sa sandamakmak na utang dahil sa tuition ko. sorry talaga mudra.

Alam kong kulang pa ang mga eport ko para makalimutan mo ang ginawa kong sakit sayo kiss mo na lang si ainah. Salamat din pala kasi inaalagaan mo si ainah pag nandito ako sa opis. weeeeehhh..

Isa kang ulirang INA.. mahal ka namin ng APO mo at ng jowa ko..

Hindi ito yong kanta na madalas na marinig nuon sa radyo “kahapon lamang”, kahapon lang nangyari.

 

Pababa ako ng bus nang naunang bumaba ang suot kong sandals. kaasar. Biglang artista ang eksena ko dun may mag jowang tumawa at mga estujanteng palihim na ngumisi nainis ako at tinaas ko ang aking kilay.. um nag maganda ko inshort. Papasok na ko ng elevator ng ospital ng bigla kong naalala ang donat ng asawa ko, since na 7th floor pa naman at nasa ground floor ako labas muna ko at lakad papuntang 711.

Pumasok ako sa 711 madaming tao hayskul estudent ang karamihan, dedma sila, lumapit ako sa cashier at tinuro ko ang donat natatawa syang sumagot ng “dun po ang donat kukuha po muna” . Ah ok pahiya ako sa sarili ko pero hindi dun natatapos ang lahat pag labas ko ng convinient store dun ako dumaan sa ramp para sa mga naka wheelchair at sa pag kakataong iyon nadulas ako. May dalawang lalaki ang natawa (na naman) bute nalang daw at maganda ko (at nambola pa). leche.

Umakyat na ko sa 6th floor at dali-daling nagtungo sa kwarto ng asawa ko. Nagulat ako at natuwa kasi hindi na  sya naka catheter (wala ng pahirap) ahem. Wala na rin ang tubo na nakatusok sa ilong nyang pango. hahaha ♥ö Kinilig ang asawa ko uyy kakaiba ang kanyang mga ngiti parang nang aakit. At nabisto ko sya kagad sa mga pahiwatig nya sinabi ko na kagad na opppsss magtigil ka infairness nalungkot sya…

Bigla kong kinagatan ang donat nya (akala mo kung ano na noh?!?)..

Inagawan ko ng kaligayahan ang jowa ko na nuon pa lamang kakaen ng masasabi kong masarap sa panlasa nya after 2 weeks of TPN (total parenteral nutrition) NPO sya kaya nung pwede na syang lumantak ng pagkaen eh umabuso naman sya. Natatakam ako habang pinagmamasdan syang kumakaen ng beep istek ako pa nga ang nadighay imbes na sya. Natawa na lang sya sakin na sense nya siguro na nagugutom na rin ako.

Makalipas ang ilang oras ng makamundong pag nanasa dumating ang kanyang mudang may dalang lala (gay term for food) at ehem syempre kanina pa ako gutom walng pakundangan kong sinunggaban ang pagkaen. Nag muka akong PATAY GUTOM. Inuna ko ang cake well masarap talaga sya. Sunod ang lantang spag naumay ako kaya tinakpan ko na lang, uminom ako ng coke. Tinakam ang jowa kong nakirot ang tiyan. *ayan kasi ang takaw nabigla siguro ang bagong opera nyang bituka* matapos ng kainin portion kwentuhan naman tinanong ng nanay nya bakit daw namumula ang ilong nya say present bigla ang tito ng asawa ko at sinabing “mam c happy po ang may sala” chos sinabi lang ng tito nya na ako ang nag punas ng mukha ni jowa.

Matapos na naman ang ilang oras ng nakaka ngatog na pakikinig sa kwentuhan nilang mag ina (nangangatog ako kasi ang lamig) eh nag yaya na ng uwian ang doktor nila yehey makikisabay ako ng makatipid sa pamasahe. Tumayo ako pinauwi sakin ang lantang spag ok binitbit ko sya pag labas namin ng ospital 30 mins pa kaming nag hintay ng TAXI. Nagtext pa ang asawa ko kaya bumalik kame sa loob.

Hindi na ko umakyat nakakapagod kaya more wait ako sa lobby.

……..mahaba ang biniyahe namen akala ko talagang  makakatipid na ko ng pamasahe hindi parin mas napagastos pa ko.. gara.. Binaba ako sa may EVACOM kung san para makarating ako ng LAS PIÑAS sasakay ako ng dalawang tricycle at pag dating ko sa kanto eh sasakay ako ng jeep at pag dating ko sa kanto namin sasakay ulet ako ng tricycle. Sige nga paano ko makakatipid dun eh doble-dobleng sakay ang nangyari.. grrrrr♣

Isang gabi habang bumabyahe ako sa kahabaan ng maynila (mula sa UN station hanggang buendia) sumakay ako sa ordinaryong bus. Siksikan sya ng dumating sa TAFT  ng makalampas ng VITO CRUZ may dalawang mama ang sumakay at pilit na sumisiksik sa bus.

Malayo pa lang eh nakita ko na silang kumakapa-kapa sa mga bulsa ng mga nakatayong pasahero. Ako ay naka upo sa bandang hulihan malapit sa pinto. May estudyanteng nakatayo sa harap ko nakita nya na pilit sumisiksik ang dalawang mama kaya dali-dali nyang pinaty ang cellphone nya at ibinulsa ng dumating na ang dalawang mama sa harapan ko kitang-kita ko nung dinukot nya ang cellphone ng estudyante (n70) at dali-daling pinasa sa kasama nya ang nakuhang unit at naramdaman siguro kagad ng estudyante ay bigla itong sumigaw ng “putang ina cellphone ko” at pinag kakapapa nya kagad ang kanyang bulsa, hindi pa kagad umalis ang pangalawang magnanakaw matagal syang tumayo sa harapan ko, pinag mamasdan ko lamang sila, walang kibo, tulala at nangangatog ang tuhod. Bumaba na ang magnanakaw kapa pa rin ng kapa ang estudyante. Nang naka lampas na kami (heritage hotel) saka pa lamang ako na himasmsan at sinabi ko na “kuya nasa naka kulay blue ang cellphone mo pinasa ng kasama nya”  pagalit nyang itunugon ang “bakit hindi mo sinabi?”.

Sa totoo lang ay nais ko talagang ituro ang may sala pero para akong naka kita ng multo, naparalisa ang buong katawan ko. Hindi ako maka galaw at na ngangatog ang tuhod ko.. Naawa ako sa estudyante pero wala akong nagawa. ♥

Eto ay isang ekstra ordinaryong karanasan. Isa akong student nurse. masasabi ko hindi ako madiriin sa mga kung anu-ano pero sinubok talaga ang tibay ng sikmura ko:

August 25, 2008 mga alas-kwatro ng hapon, kadaratung ko lang sa ospital MCM. Dumerecho ko sa kwarto ng boyfriend ko. Maya-maya’y pumasok ang nursing aid para linisin ang sugat. Binuksan ang mga tape, gaza, ang pinunasan ng alkohol. Umaaray sa sakit ang Bf ko pero wala akong magawa. Inalis ang tapal sa tiyan nya. Hinati ang diaper para lalong ma absorb ang tubig na lumalabas. Una palang alam ko na mayroong parang 2 lobo ang naka kabit sa tyan nya dahil nakita ko na yon kinabukasan matapos ang operasyon nya. Pero nung hapon yun ay hindi talaga kinaya ng sikmura ko ang mga nakikita ko sa tiyan nya. Hindi ko alam kong nadiri ba ko o naawa lang ako kasi nasasaktan sya?

Feeling ko tuloy in the near future hindi ako magiging effective nurse..