Hindi ito yong kanta na madalas na marinig nuon sa radyo “kahapon lamang”, kahapon lang nangyari.

 

Pababa ako ng bus nang naunang bumaba ang suot kong sandals. kaasar. Biglang artista ang eksena ko dun may mag jowang tumawa at mga estujanteng palihim na ngumisi nainis ako at tinaas ko ang aking kilay.. um nag maganda ko inshort. Papasok na ko ng elevator ng ospital ng bigla kong naalala ang donat ng asawa ko, since na 7th floor pa naman at nasa ground floor ako labas muna ko at lakad papuntang 711.

Pumasok ako sa 711 madaming tao hayskul estudent ang karamihan, dedma sila, lumapit ako sa cashier at tinuro ko ang donat natatawa syang sumagot ng “dun po ang donat kukuha po muna” . Ah ok pahiya ako sa sarili ko pero hindi dun natatapos ang lahat pag labas ko ng convinient store dun ako dumaan sa ramp para sa mga naka wheelchair at sa pag kakataong iyon nadulas ako. May dalawang lalaki ang natawa (na naman) bute nalang daw at maganda ko (at nambola pa). leche.

Umakyat na ko sa 6th floor at dali-daling nagtungo sa kwarto ng asawa ko. Nagulat ako at natuwa kasi hindi na  sya naka catheter (wala ng pahirap) ahem. Wala na rin ang tubo na nakatusok sa ilong nyang pango. hahaha ♥ö Kinilig ang asawa ko uyy kakaiba ang kanyang mga ngiti parang nang aakit. At nabisto ko sya kagad sa mga pahiwatig nya sinabi ko na kagad na opppsss magtigil ka infairness nalungkot sya…

Bigla kong kinagatan ang donat nya (akala mo kung ano na noh?!?)..

Inagawan ko ng kaligayahan ang jowa ko na nuon pa lamang kakaen ng masasabi kong masarap sa panlasa nya after 2 weeks of TPN (total parenteral nutrition) NPO sya kaya nung pwede na syang lumantak ng pagkaen eh umabuso naman sya. Natatakam ako habang pinagmamasdan syang kumakaen ng beep istek ako pa nga ang nadighay imbes na sya. Natawa na lang sya sakin na sense nya siguro na nagugutom na rin ako.

Makalipas ang ilang oras ng makamundong pag nanasa dumating ang kanyang mudang may dalang lala (gay term for food) at ehem syempre kanina pa ako gutom walng pakundangan kong sinunggaban ang pagkaen. Nag muka akong PATAY GUTOM. Inuna ko ang cake well masarap talaga sya. Sunod ang lantang spag naumay ako kaya tinakpan ko na lang, uminom ako ng coke. Tinakam ang jowa kong nakirot ang tiyan. *ayan kasi ang takaw nabigla siguro ang bagong opera nyang bituka* matapos ng kainin portion kwentuhan naman tinanong ng nanay nya bakit daw namumula ang ilong nya say present bigla ang tito ng asawa ko at sinabing “mam c happy po ang may sala” chos sinabi lang ng tito nya na ako ang nag punas ng mukha ni jowa.

Matapos na naman ang ilang oras ng nakaka ngatog na pakikinig sa kwentuhan nilang mag ina (nangangatog ako kasi ang lamig) eh nag yaya na ng uwian ang doktor nila yehey makikisabay ako ng makatipid sa pamasahe. Tumayo ako pinauwi sakin ang lantang spag ok binitbit ko sya pag labas namin ng ospital 30 mins pa kaming nag hintay ng TAXI. Nagtext pa ang asawa ko kaya bumalik kame sa loob.

Hindi na ko umakyat nakakapagod kaya more wait ako sa lobby.

……..mahaba ang biniyahe namen akala ko talagang  makakatipid na ko ng pamasahe hindi parin mas napagastos pa ko.. gara.. Binaba ako sa may EVACOM kung san para makarating ako ng LAS PIÑAS sasakay ako ng dalawang tricycle at pag dating ko sa kanto eh sasakay ako ng jeep at pag dating ko sa kanto namin sasakay ulet ako ng tricycle. Sige nga paano ko makakatipid dun eh doble-dobleng sakay ang nangyari.. grrrrr♣