INSEKTA- from gaytionary. meaning INSECURE. INGGITERA.
Buhay nga naman ng tao. Kundi ikaw ang kinaiinggitan ikaw ang naiinggit. Siguro binigay talaga ng Diyos ang pantay-pantay na pag tingin sa tao. Nasa tao lang kung papaano sila titingin sa kapwa tao nila. Ako kasi bilang dyosa eh pantay-pantay lang tingin ko sa tao.
gandara- mayaman. pag maganda ka marami kang kaibigan. Andiyan yung kinakaibigan ka kasi malapit ka sa boys nakiki hitch sa kasikatan mo pero deep inside inggit na inggit yan sayo. Kaw na maraming lalake aba eh kahit ako baka mainggit na sayo. Meron din namang mega kalat ng nega tungkol sayo wala naman kayong pinag awayan, tampuhan, o kung anu pa mang pwedeng pag mulan ng ikakasira nyo. Well dalawa lang naman ang pwedeng dahilan nyan at pinag kakalat nya ang mga nega mo, una para ma T.O ang mga boys sayo at layuan ka nila at nang masolo naman nya ang mga lalake o naiinggit sya kaya dun ka nya titirahin.
ma anda- mayaman. Yan naman eh halos lahat ata ng tao lalo na yung hindi mayaman(no offense ha) eh meron inggit feeling sa mga ma anda. Andiyan yung mga kaibigan nating social climber na present sa mga kwentuhan ng mga ma aanda. Pag nag kwento na ang ma andang bida eh parang recitation dahil mag tataas ng kamay si social climber at sasabihin ako rin may ganito, may ganyan, nag punta na sa ganito, galing na sa ganyan. Madalas eh si social climber pa ang pasimuno ng mga pasosyal na kwentuhan pero panisinin mo madalas nilang sabihin na yung kaibigan nila eh ganito, ganyan. Bibihira ang pag bida sa sarili playing safe si social climber para nga naman pag nabisto eh ang palusot ni social climber eh yung kaibigan nya yun. Kelangan talaga eh makipag taasan din ng wiwi si social climber sa ma andang bida. Kung minsan naman eh hahanapan ng butas si ma andang bida kung trulalu ba na ma anda ito, bet nyang gumora sa balay ni ma andang bida kung minsan eh mapanghamon pa ang drama tipong show me the money you got. Kundi ba naman naiinggit yung ganun. Pero sa sarili kong opinion mas marami ang user sa mga ma aandang bida kumpara sa insekta.
sikat- no gay term. sikat as in plain. sikat ka lang kahit hindi ka maganda parang ako lang yan eh. sikat ako sa opis kasi mahilig ako mag joke biglang sikat ang mga binibitawan kong lines. At kahit ganito lang ako eh meron pa lang naiinggit sa akin. Ginagaya ang joke ko, lines ko, pati na rin kung papaano ko mag salita. Okey lang naman sa akin yung gayahin ang ako pero yung paratangan mo ako na ako ang gumaya sayo? Hindi ba’t nakaka awa ka? kahit paratangan mo ko na ako ang gumagaya ng mga linya mo kung sa akin naman nila madalas at araw-araw naririnig nakaka hiya pa rin hindi ba? Hindi lang yun andiyan yung malimit akong panisinin lalo na kung butas ang damit ko. OO alam ko na opisina ito at kung mag susuot ako ng damit na may maliliit na butas eh hindi naman dapat malaking bagay sa tulad nilang mga insekta bakit kanyo. Sisigaw ba yung damit ko na may butas sya? hindi naman di ba? hindi naman kapansin-pansin yung butas unless pag dating ko all eyes on me kana kaagad. Pati rin ang sapatos kung suot. Aaminin ko cute talaga sya>>
. Bukod pa diyan eh hindi lang ako ang meron nyan sa opis so nung unang araw na sinuot ko yan issue na kagad yan sa mga makakating-dila. Iniisip nila na insekta ko kaya mor buy ako nyan. In fact gusto ko talaga yan naunahan lang ako bumili. Andiyan din yung maraming tanong ng ilan bute raw pinapa pasok ako eh bawal yun. Basta sikat lahat ng pwedeng masita sayo sistahin. Mapa nega o pasitib yan wala kang kawala.
Maraming tao, maraming inggit, maraming kina iinggitan. Wala naman tayong magawa kung dumarami sila. Doon sila nabubuhay kaya hayaan na lang natin sila. Pero wag natin silang hayaan na itulak tayo pababa at mag reyna sila sa taas. Aminin man natin o hindi. sabihin man natin na hindi tayo apekted, hallerr nakaka irita sila.
Ikaw marami rin bang insekta sa paligid mo?!



