Mukang lumalala na ang pag papantasya ni bakla kay totoy iho. Isipin mo may pa iyak-iyak pang drama ang kinikilig na bakla kesyo nag away daw sila ni totoy iho. Matapos daw nilang mag show ng love sa publiko eh bigla nalang syang inaway ni totoy iho kaya eto mega cryola ang eksena ni bakla. Dahil sa nag soshow na sila ng affection sa isat-isa lalo raw nahuhulog ang loob ni bakla.. Marami daw masasaktan kaya ayaw daw nyang mahulog ng husto aba at mukhang pinariringgan ako *alam nya kasi may maka mundo akong pag nanasa kay totoy iho*  nuon yon nung hindi ko pa na kokompirma na peppermint si totoy iho.

Hindi na masyadong nag kukwento si bakla sa akin alam nya kasi na hindi nya ko kayang paikutin sa mga kwento nya kaya madalas sya mag kwento kay ate v. Na agad namang pinapasa sa akin ang mga chika galore.

Bera ni bakla kay ate V na araw-araw silang mag kasabay umuwi hinahatid ni bakla si totoy iho sa putol (dun daw yun banda sa cavite city) at mula sa putol eh sasakay ng tricycle si bakla pauwi sa IMUS napaka imposible di ba? hindi ka pwede sumakay ng tricycle dapat BUS kasi hindi nya kakayanin ang layo. Para ka ng nag taxi sa laki ng babayaran mo. mark down na si bakla sa pag sisinungaling nya.

Twing ala-una ng hapon ugali na ni bakla ang bumili ng donat (triple choco fills) kahapon iniyabang ni bakla na binilhan daw sya ng kanyang baby boy *nakaka inis sya ha baby boy pa talaga ang tawag nya it reminds me tuloy ng aso ng EX ko, baby boy kasi tawag namin dun*  pwede rin namang binilhan talaga sya kasi break ni totoy iho ng ganuong oras binilhan sya kasi nag palibre sya (Mahilig si bakla mag palibre). Pakiwari ko sinasabi nya lang na binigay yun sa kanya para masabi ko na may nag bibigay rin sa kanya ng donat. Di tulad ko na every cut off may espesyal donat ako mula kay fafa jonas. At sa iba ko pang mga lalaki sa floor. Mabaet lang talaga ko kaya inreturn eh sinusuklian nila ko ng donat. At take note hindi ako humihingi at hindi ko rin imbento ang lahat ng donat sa kinakaen ko KUSA nila itong binbigay. as in KUSA. 

Ngayon eh nag over-da-bakod sya ng station kasi tinataguan raw nya si totoy iho. Galit daw sya kaay totoy iho kaya ganun. Sus eh bibihira namang dumaan si totoy iho dito sa station namin unless wala syang station duon.

Masyado talagang mapag pantasya yang si bakla. Lahat ng kras ko eh inagaw na nya. Anjan yung tatawagin nya at ngingitian sa harap ko, nananadya talga sya, na parang gusto nyang sabihin na mainggit ako sa kanya kasi sya pinapansin ng mga kras ko samantalang ako eh hanggang kras nalang.

Madalas rin ibulgar ni bakla sa kras ko na kras ko sya ang nakakairita pa dun eh kunwari tutuksuhin nya kami dalawa pero ang kamay ni bakla na ka angkla na sa kras ko. Pero ang totoo eh kras nya din yun. Madalas ring ikwento ni bakla na may moments of love sila ng mga kras ko.

Maraming rich and famous na kaibigan si bakla anjan si Lem ng Be bench fashion. Na super close raw sila nito madalas syang kasama sa VTR, commercial shoot at sa mga events ng nasabing artista. Mor show si bakla ng piktyurs ni Lem pero never pa syang nag show ng piktyur na kasama sya sa eksena. Karamihan kasi panay nakuha sa friendster ni Lem.

Pati ang jowawit ni Lem na model ng Natasha eh super friend din daw ni bakla. Ang pinag tataka ko lang eh bakit walang comment o testi sa friendster nya ang mga nasabing friends?

At nung blackout event ng Bench eh super present si bakla dun. Una, niyayabang nya sa buong team na may pinapipili sya ng friend nya kung Backstage pass o blackout front seat. Mega ask pa nga sya kung anu maganda eh, ako naman bilang usi sinabi ko na backstage pass kasi mas malaki ang pribelehiyo nun. Andun ang libreng photo ops sa mga ta-artis, pwede mo mapanood paano sila mataranta sa backstage at pwede ka mag pa otograp di ba? Ilang araw bago ang event nag punta muna kami ng southmall super sale kasi sa divi park sabi nya sakin mag mamake-up artist daw sya para may pera tinext daw kasi sya ng friend nya. Tapos 2 days bago ang main event tinext ako ni bakla na pumunta raw ako ng ATC  ask ko daw kung may available tickets pa babayaran na lang raw nya ko sa payday. Aba na windang ako akala ko ba may free ticket ka na?kinabukasan tinanong ko siya bakit siya nag papabili? “sa friend ko yun” sagot nya. Ah ok. Nung mismong event nag mamadali si bakla tinetext na daw sya ng barkada nya wala daw mag mamake-up kay Lem. Sakto payday namin yun. Kinabukasan putok sa news ang blackout event nung pumasok na kami sa opis mega ask kami what happen sa event. Alam nyo bang kung ano napanood ko sa TV sya ring kinuwento nya? At hindi nya na kuwento na natalisod si jomari baka sa kapuso sya nanuod. Ang kina windang ko dun eh katabi nya raw sila kris Aquino at James yap. Hello akala ko ba mag mamake-up ka kay Lem  bakit ngayon ang kinuwento mo biglang nag bago? ahem. Kung talagang nag punta sya sa event sana may picture man lang sya. Ikaw bilang isang mayabang dapat may ebidensya ka di ba? tsaka nung nakita ko sa TV wala namang katabi sila Kris na grupo dun eh solo nila yung helera at likod at pati na rin ang harap na pwesto.

Hindi lang yan naikwento rin sa akin ni bakla na kaibigan nya ang isa sa mga DJ ng bespren wrr 101.9, mejo tagilid si bakla dito kasi nabasa ko sa comment nung Dj na hindi sya kilala sabay biglang oh i remember you classmate kita sa subjek blah blah. meaning to say eh naging classmate pero hindi naging superfriend. At bibigyan daw sya ng premier tiket sa movie ng FOR THE FIRST TIME. wow. Nung nag premier night na wala daw hindi raw sya pinadalhan.

Meron din syang kaibigan na kayang mag pa open bar sa emba(embassy). Naikwento ni bakla na during his college days madalas syang mag emba wid his super yaman na friend. Nung birthday daw nun eh nag pa open bar ito sa emba. huwow ang yaman talaga nun kasing yaman nya ang may ari ng kompanyang pinapasukan ko ngayon. Tinanong ko sya mag kano ang  entrance sa emba *trap yun kasi nag emba na ko before* hindi raw nya alam kasi nilibre lang sya. Well nilibre lang rin naman ako nun nung nag punta kami roon sa pag kaka alam ko 800 ang entrance. Yun eh pag kakatanda ko. Pero kung mali ako eh isipin nyo na ring nag iimbento lang ako.

friend nila ang isa sa MEMBER ng lopez group of company.

Alam nyo ba ang “punta fuego”?   naka punta na raw ang nanay nya ruon malay natin totoo nga.

Nakapag Malaysia, Hongkong at Singapore na din si bakla pero nawawala na ang passport nya.. Hays

Meron sila ng nanay nya ng n90 na phone at huwag ka sabay itong nawala sa MOA. Naiwan daw nila sa table. Imagine n90 iiwanan mo lang sa table.. mayaman ka teh?!!

Marami syang been there done that na sinasabi nakalimutan ko na eh..

Nakairita lang sa kanya eh nilalait nya ang kapasidad ko bilang dyosa.

Pinamumuka nya sa akin na GRUMADUWEYT sya samantalang ako stop kasi maaga akong lumandi. Nang minsang nag away kami 2 sinabihan nyang mas naka lalamang daw sya sa akin kasi nga gruamduweyt sya at syempre hindi ako nag patalo.: “anong kinalamang mo ha?hindi ka naka attend ng graduation day di ba?, bakla papel lang ang hawak mo at kung lamang at lamang bakla wala ka na kasi ako marami akong alam na hindi mo alam, mas magaling ako sa mag english gagong toh”  hindi na pumalag si bakla. Hindi papel ang sukatan ng kapasidad o kakayanan ng isang tao. Nasa perpormans yan.

Minsan na ring pina muka sa akin ni bakla na tanga ako at wala akong alam. Sa totoo lang siya yun, napapahiya na kasi sya kaya nya ako sinabihan ng ganun. Namaga ang paa ni bakla kasi raw natapakan yun nung nag laro sila ng volleyball tapos pag may ibang nag tatanong arthritis daw yun. Nag pa check sya confirm daw talaga na arthritis yun, duamaan sya ng series of test syempre bilang nursing student masasabi ko na alam ko ang mga laboratory exams na gagawin sa kanya. Pinag papasting daw sya kasi kukunan sya ng Urine sample para malaman kung mataas ang uric acid nya. (Urine sample pero sa dugo kukunin). At haller bakit di ka pwede uminom ng tubig o mag intake ng pagkain? Nag pa x-ray din siya wala naman daw bali.  Syempre nag react na ako ng todo aba at sinabihan ba naman akong wag ako makialam kasi wala akong alam at doctor na ang nag sabi nun. PUCHA ginawa pa kong tanga. Akala naman nya eh mapapa ikot-ikot nya ko sa sarili kong field of study. Pasting, Uric acid tru blood? shutanginames.

Mababaw rin ang kaligayahan ni bakla pera lang ang pwedeng mag paligaya ng todo sa kanya. Ang babaw di ba?