September 16, 2008
team building
Posted by happy eiyengjell under experience, opisina | Tags: opis trip |Leave a Comment
September 15, 2008
September 11, 2008
written warning
Posted by happy eiyengjell under opisina, rAnDom ThoUghTs | Tags: opis trip |Leave a Comment
Naka leave ang poging-pogi kong boss hanggang biyernes sakto naman na bukas team building namin pero walang dapat ipag alala bukod sa naka leave sya at na sakanya ang ambagan naming 4,200 hindi kami iinjanin ni boss nangako sya. Pero bago kami umuwi kahapon na alala nya na wala syang gas. mama mary wag naman po sana [peaceawt boss].
Ligalig ang mga bakla, wala ang hari kaya malayang nakakapag landi, malayang mag laro, gumala at malaya kaming wag gumawa ng trabaho. Pero wais si boss may mga mata syang itinanim sa paligid namin. Masaya kaming nag tatawanan sabagay anu pa bang bago dun ke andito si boss ke wala masaya kaming nag tatawanan. Pero mukhang may MARTIAL LAW PART TWO ang drama dito sa company. Bawal na ang tumawa ng malakas dito sa floor. Bawal ng mag kumpol-kumpol na parang tubol. Bawal ng mag hubad ng sapatos (parang nasa bahay lang), Bawal ng makalat (na parang scavenger), Bawal na mag lagay ng cellphone sa ibabaw ng station ginagamit man o hindi. Mahigpit na ring ipinapatupad ang pag babawal sa pag pofloor walk o mas kilala sa tawag na rampage. Bawal na ang pagkain,inumin, ang face powder at pati na salamin at suklay. Bawal ring itaas ang paa sa seat. Bawal na din ang pangit. Gusto kong magtanong para sa akin lang ba yan? Lahat kasi ng ipinag babawal eh ginagawa ko. bad happy. Nakikinita kinita ko na ang eksena. Ang station ni T.L eh locker room na in da near future. At ang pag wewelga ng mga empleyado sa baba.
Habang masaya akong nakikipag tawanan sa mga ka opismeyt ko biglang lumapit si fafa roel at binigyan ako ng papel. Nabigla ako at na takot sa isip-isp ko anu kaya to? may isang malaking bawal yan nakasulat sa maliit na papel na may pulang tinta. Okey lang daw yun kasi pers written warning lang naman. Dahil sa matigas talaga ang panga ko. Tuloy ulit ang ligaya.
Mga ilang oras pa. (nag bibilang)….. mga isang oras lang pala.
Lumapit ulit si fafa roel at sinabi sa akin na ini mail na raw ako basahin ko raw sa folder ni T.L. so hinanap ko naman ang mail nakita ko at nakasulat dun ang bawal yan naku pangalawa na yan one year to clear pa naman yun. kinakabahan na ko mukang mapupurnada ang pag ka regular ko dito. Mukang hindi ko na maisasagawa ang mga makamundo kong pag nanasa sa kras ko. naku ha…
Break namin ngayon eto at nakapag yosi na ko habang huhigop ng kape at sinabayan ko na rin ng pagkuyakoy parang nasa starbucks ang drama ko. Sa ganda ba naman ng view sa smoking area tanaw na tanaw mo ang mga kotse sa parking lot pati ang view ng bacoor-zapote. Sinong hindi madadala. Napansin ko may 3 ash bin pero ang dami paring hindi marunong mag shoot ng cigar butts nila sa bin. Siguro nag lalaro sila ng shoot-that-upos yung mga sanay sa shoot-shootan eh
Sa powder room o mas kilala sa tawag na tsismisan corner nakaka iritang jumingle hindi ko alam kong mga baklang pakawala o babae ang gumagamit dun madumi ang rim ng bowl, bukod sa wala na ngang tissue eh hindi pa pinalish ang mga wiwi nila. ewwww. Maarte talaga ko. Ang sabi kasi ni mother lily sa akin makikita ang linis ng isang babae sa paraan kung paano sila gumamit ng banyo. Kung ikaw ay parang lalakwe na di pagpag style burara ka, mano ba naman yung gumamit ng tissue ng hindi naman mamanghe si pearl di ba? at mag flush pag katapos mo gumamit respeto na lang sa susunod na wiwi. Pwede rin namang punasan ang rim at lagyan ng tissue ng makaupo ka ng maayos hindi yung pinapatong mo yung paa mo na parang umeebs ka lang sa bahay. At ang nakakadiring lock ng pinto ng bawat cubicle imagine basa ito at amoy kepay. ewww talaga. Nuon pa man maarte na talaga ko lalo na sa pag gamit ng banyo. Simula kasi ng nag karoon ang itchyness feeling after ko gumamit ng public comfort room eh naging super selan ko na talaga. Pwede bang mag email kay S.T.L na bigyan din ng written warning yung mga baboy gumamit ng c.r?
problema ko talaga yung maliit na papel na may pulang tinta na may nakasulat na bawal yan hehehehe.















