from the book of gay lingo:
pepper/peppermint(paminta) – katawang lalaki (macho) pero pusong babae.
Marami akong kilalang ganyan aktwali may naka away na kong Sup. dahil sa salitang peppermint.
Dahil sa babaeng bakla ako paborito kong ekspresyon ang salitang paminta, peppermint at sinasamahan ko pa yan ng pag arte na nahahatsing ako. Frustated artista yata ako. Alam ng buong barkada ko yan. Isang masayang tawanan: Yung dalawang Sup eh nag apir at parang umarte na namiss nila ang isat isa. natural na biruan ng mga lalaki ako naman bilang palabiro nag sambit ako ng “te sight mo mga peppermint oh achuuu achuuu”.
Nagulantang ako sa pag tawag ng isang Sup. (na wala naman sa eksena nakiki eksena lang) sa pangalan ko, nanlikisik ang kanyang mga mata at buong galit nyang sinabi na “AYOS AH ISA PA!!!” may hang-over pa rin ako sa isang masarap na tawanan dali-dali ko syang tinanong na anu yon? Nag walkout sya at hindi nya ako nilingon pero dahil sa natatawa ako tinanong ko sya na “yung peppermint? yung peppermint ba?” nasa utak ko na baka yun yung kina galit nya. Kasi yun yong huli kong sinabi/ nabanggit pero hindi naman sya ang tinutukoy ko dun.
Nakaramdam ako ng pagbabanta sa mga linyang binitawan nya hindi lang kasi yun ang unang beses na ginawa nya sa akin yun. Galit na galit ako nung mga oras na yun. Sa galit ko ay nag sumbong ako sa Boss ko na umiiyak. Galit ako at gusto ko syang sapakin. Tadjakan at ipasagasa sa 1o wheeler na trak. Nakita nya akong umiiyak sa Boss ko ang sama pa nga ng tingin nya eh. Sinabi ng boss ko na sige bukas na natin yan pag usapan umuwi ka na muna at mag pahinga.
Kinabukasan napag desisyonan ng buong grupo na mag sampa ng kaukulang aksyon sa ginawa ng Sup na yon. Nag pasa ako ng INCIDENT REPORT o IR sa big boss ng boss ko. Syempre feeling winner ang eksena ko kasi naunahan ko sya. After 24 hours pumutok na sa buong team nya ang ginawa ko galit na galit sya. Hindi nya inaasahang magagawa ng isang tulad ko ang ilagay sya sa ganung eksena.
Gumawa sya ng sarili nyang eksena. Pilit nyang hinihingi ang pangalan ng dalawa kong witness eh matigas ang 2 bakla hindi nila bibigay at mega nag tataas na ng boses ang mayabang na Sup. Maya-maya ay lumapit ang boss ko at tinawag ang 2 kong witness kakausapin daw sila nung mayabang na Sup. (nalaman ko naman lahat ng pinag usapan nila kaya di na ko pupunta sa mga detalye pa baka maboring kayo).
Kinausap nya rin ang boss ko, nag tatampo daw sya sa boss ko kasi bakit naman daw inakyat pa sa taas eh pwede naman syang kausapin. *haaaaaaaaallllllllllllllllleeeeeeeeeerrrrrrrr nakita mo na ko na naiyak sa boss sana man lang pag alis ko lumapit ka at kinausap mo sya na may ginawa ako sayo o may sinabi ka akin db?*.
Isipin mo na lang kung tunay kang lalaki hindi ka dapat mag rereact pag tinawag kang peppermint, ikaw bukod sa ibang tao ang nakaka alam ng pagka tao hindi ba? unless may tinatago ka. Hindi pinag uusapan dito kung nakaka Sup ka at nakaka taas ka sa agent. Porke ba nakakataas ka na eh may karapatan ka ng manakot o mamahiya? o mang hamak ng isang agent?
Ang tunay na lalaki pag tinawag mo ng bakla ang mga gagawin nyan:
- hindi lilingon (kasi iisipin mo na hindi ikaw yun)
- mag papanggap na bading (mag babading-badingan)
- lolokohin mo na hahalikan mo sya
Sa case ko ang nangyari eh isang tunay na lalaki(kuno) napikon sa salitang paminta kahit hindi naman sya ang pinapatungkulan ng salita. Nag banta sa isang walang malay na BABAE. Bilang ganti nya sa akin eh nag imbestiga sya sa mga ka-team ko tungkol sa ugali ko. Pang gabi ang skedule nya at umeeport sya na kausapin ang iba pang Sup. para ikwento ang nangyari at sabihing masama talaga ang uagali ko. Ultimo mga kaibigan ko sinasabihan nyang wag ako kampihan kasi hindi nila ko kilala at masama talaga ang ugali ko. At pinag away nya pa kami ng kaibigan kong bading. Sinabi nya na itinuro ko daw si jobby na nag kakalat ng tsismis na bading ang mayabang na Suo na yun. Syempre ang walang malay na bakla nagalit sa akin.
Isa pa kung lalaki ka talaga bakit ang galing mo mag kalat ng tsismis(na tungkol naman sayo). Imbes na hindi malalaman ng ibang tao na may ganoong issue sayo mega kwento ka pa na tsitsismis ka na bading ka.
Wala akong masamang reaksyon sa mga taong bading (kasi bading rin ako na nag tatago sa katawan ng seksing babae), saka ang mga kaibigan ko ang mga bading.
Wala rin akong galit sa mga paminta. Naiinitindihan ko kayo mga ate na hindi kayo makalabas jan sa closet nyo kasi marami kayong sinasa-alangalang. Pero aminin nyo masarap ang nota at masarap mag pa uring lalo na kung doggie di ba?
Ako ay isang opinyonadong tao. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Magalit na ang gusto magalit. Wala akong magagawa. Pero kung ako sayo paka totoo ka kasi hindi lahat ng oras matatago mo ang landi sa katawan mo kusa yang lalabas at hindi mo yan mapipigilan. Masarap mag landi, lumandi at makipag landian lalo na kung may kasamang maka mundong pag nanasa.
AT PARA SA MAYABANG NA SUP. NA PEPPERMINT NAMAN: good luck sayo te, good luck sa kayabangan mo, goodluck sayo sa pag dedeny mo. Alam mo bang susunugin ka sa empiyerno sa mga ginagawa mo. At alam mo bang mag kikita tayo dun? duon walang mataas, walang agent, walang sup. patas ang labanan so humanda ka kasi oras na mauna ko dun hihilahin kita pababa. mama mary di lab mo ko? di ba hindi mo ko kukunin kagad? nyenyenye..





