Past
14 AugIt was an honest mistake, I apologize. It was posted long ago and I didn’t bother to check. I’m really sorry, I don’t mean to create some misunderstanding. I know how it feels kaya nahihiya ako sayo.
help me MY FRIENDSTER WAS HACKED…
19 NovGrrrrr.. Na hack ang friendster ko last thursday after ko mag log-in sa isang computer shop na madalas kong daanan bago umuwi. Nalaman ko na hinack yung friendster ko nung sabado na kasi nag check ako sa bahay.
Maintenance kasi ang friendster nung friday kaya di ako nakapag bukas.
Unang try nag failed hindi raw nirerecognise yung email add ko as friendster log-in so chineck ko email add ko walang confirmation na sinend dahil sa hawak ko ang account ng anak ko sinubukan kong mag log-in at pumasok ako.
Nakita ko na may bagong pinost na shout out ang account ko “LOAD 115 09075006580 TO WANT YOUR PROFILE BACK -HACKER”
Napa shit talaga ko sa galit. Pinalitan nya ang email-address ko, ginawa nyang private ang mga photo albums ko. Dahil sa kateng-kati ko na mabawi ang friendster ko tinext ko ang walang-hiya. Ibabalik daw nya basta paloadan ko sya. Sabi ko hahatiin ko yung pag bigay ng load para sigurado. Aba ayaw pumayag.
Hanggang ngayon hindi ko parin sya pinapaloadan iniisip ko pa kung papaloadan ko sya.
Ayoko na gumawa ng bago. Kasi hassel na yun mag uumpisa ulet ako sa zero. Friendster na ang naging buhay ko pamula pa nung high school dun ko natagpuan ang mga classmates ko nung elementary. Marami ng recognition ang account na yun. Nahirang na yun bilang pina sikat nung 2007.
Gusto ko paring makuha ang account kong yun ng walang binibigay na load sa animal na yun..
Tulungan nyo naman ako mabalik yung friendster ko……. please..
DEAR PA;
1 Oct
Hay naku Pa. Na late ako. Sa pag bati sa iyo ng maligayang kaarawan, pero wag mo isipin na nakalimutan ko talaga. Dahil nung mismong araw ng bertdey mo eh naalala ko talaga yun. Niyaya ko pa nga si mama na mag punta sa yo kaso wala kaming pamasahe. Pasensya na talaga.
Hindi naman talaga ako sanay na batiin ka twing bertdey mo. Alam mo yan. 3 tao na ang nakaka lipas nung umalis ka.
Alm ko na kada September 27 ang bertdey mo.Mas sanay akong batiin si mama hindi naman kasi tayo close db?!
Siguro galit ka pa rin sa akin kasi hindi ako naka graduweyt. Alam kong madalas mong laruin si ainah. Kung hindi ka siguro umalis wala pa si ainah sa mundo ngayon.
Alam mo ba PA ngayon ko lang na realize yung mga ginagawa mong pag hihigpit sa akin. Kasi nung panahong andito ka pa takot pa akong gumawa ng kasalanan, takot pa rin naman ako ngayon pero andun na yung lakas ng loob at kapal ng mukha, yung mga sumunod sa akin ang wala ng takot. Tulad na lang ni manel inispoil nyo kasi kaya ayun lumalaking tarantada. Wala ng takot yun kung managot at malakas ang loob nyang sumuway kay mama. Yung mga kambal rin mahirap utusan panay away madalas matigas ang ulo. Si Jannet naman sobrang batugan. Walang alam gawin kundi mag basa ng mag basa. Tanghali na kung gumising at nananagot. Bastos na sila ngayon. Samantalang nung andito ka pa ambabaet nila at ako naman ang laging masama sa paningin mo.
Hindi na ako galit sayo ngayon nag move on na ko. Napatawad na kita sa lahat ng nagawa mo. Naiintindihan ko na rin ngayon bakit ka nagagalit. Para sa akin pala lahat ng yon magagamit ko pala sya in-da-near-future.
Naalala ko nun twing nag papa alam ako na sasama ako sa outing sa school o kahit ng barkada kelangan ko pa ipakausap sayo yung mga kasama ko payagan mo lang ako. Nung hinataw mo sa hita ko yung bakal ng side mirror mo sa motor kasi madaling araw na ko umuwi mula sa pag lalaro ng volleyball. Magang-maga yung kanang hita ko nun halos hindi ko magalaw kulay ube na nga matigas ako nun kaya nag pekpek shorts ako para makita mo yung ginawa mo sa akin. Na aalala ko rin nung bata ako madalas akong umuuwi mag-isa twing hinahatid ako ni mama o ng yaya ko sa iskul nung nalaman mo na umuwi na naman ako pinalo mo ako ng yantok na walis tambo maraming pasa ang katawan ko. Kaya nung dumating si mama mula sa trabaho eh nag away kayo at dinala mo ko sa ospital sinusumpong na pala ko. Na aalala ko rin nung bata ako kada hapon pag katpos ng Maria Clara kelangan matutulog na ko dahil pag naabutan mo ko sa labas ng bahay at nag lalaro papaluin mo na naman ako. Nung lumalaki na ko natakot na ko lumabas ng bahay iskul-bahay-iskul lang ang drama ko nun abutin man ako ng hapon eh extra kurikular naman yun sa iskul.
Lahat na ata sinalihan ko maging proud ka lang sa akin. Sumali ako ng MTAP kahit hindi ako magaling sa MATH masabi lang ng mga kumpadre mo na mana ako sayo. Nag ballet ako, Nag choir sa iskul at sa simbahan pero pinahintu mu rin kasi iniisip mo nag lalandi lang ako. Sumali rin ako sa Journalism kahit hindi ako magaling mag ingles. Bute naman at meron akong award na nakuha, At salamat na rin sa iskul kasi pinablish nila yung sinulat ko kaya ayun lumabas yung pangalan ko sa iskul news paper. Kahit papaano naramdaman kong naging proud ka. Sumali rin ako sa drum n lyre org. pero mukhang nakasama pa yun kasi yun ang madalas na dahilan para gabihin ako at pagalitan mo ko. Pinahamak lang ako nun.
Nung high skul naman nag flaglet(parang majorette kaso flag naman yung hawak) ako. Natuwa ka kasi marami akong eksposyur. Sumali ako sa teyatro. Lahat na ata kulang na lang pati sa sorority sumali rin ako.
Pero mukhang mas kapansin-pansin ang angking talino ni Jannet natural lang ang lahat. natural na magaling sa math, natural na matalino sa english at natural na honor student walang eport di tulad ko kelangan ko pa iuntog ulo ko sa libro tumalino lang. Kelangan ko pang gayahin ang galing ng ibang tao sa pag eenglish para masabing magaling rin ako. Lahat yun ginawa ko para hindi mo na ko pagalitan kaso mainit talaga dugo mo sa akin.
Kaya pala PA ayaw mo ko lumalabas sa gabi at tumatambay sa bahay ng barkada kasi panget pala sya tignan panay lalake kasama ko tapos aapat lang kaming babae. Pero lam mo PA wala naman talaga kami ginagawang masama aktuwali nag katuluyan na yung 4 na couple dun. Pero huwag ka mag alala hindi ako kasama sa nag katuluyan na yun. Maraming bagay na ngayon ko lang naisip na tama ka pala. Nalulungkot nga ako kasi hindi kita napahalagahan nung andito ka pa. Nag matigas pa rin ako kahit sa mga huling sandali mo dito. Pasensya kana kung hindi kita nabantayan sa ospital galit kasi ako sayo nun paano kasi binantayan na nga kita pinag tatabuyan mo parin ako, feeling ko galit ka pa rin sa akin, feeling ko ako parin sinisisi mo bakit nakahiga ka sa maliit na kamang yon. Pasenya na kung pumunta lang ako kasi malapit ka na raw umalis. Tulog ka na nun pero alam ko na nakakarinig ka pa rin. Alam ko na naririnig mo ko. Narinig mo ba yung sinabi ko sayo? Lam mo PA gagawin ko pa rin lahat ng pinangako ko sayo. Kahit may anak na ko mag tatapos pa rin ako sa pag nanarsing ko, pupunta pa rin ako sa London at bibili pa rin ako ng bahay para kay mama at sa 4 ko pang sisteret. Pasensya na kung hindi ko natupad yung una kong pinangako. Nabuntis kasi ako eh. Pasensya na talaga.
Alam ko namang masaya ka jan kasama mo yung bespren mo at si tito babeng. Nag kita na ba kayo ng erpats mo? Hay naku PA miss na kita lalo na pag pasko at twing bagong taon. Hindi na rin kasi kasing saya ang pasko nung andito ka pa kumpara nung nawala ka. Hindi na namin makuhang mag celebrate ng bonggang-bongga eh bukod sa wala kaming pang handa, wala ka rin kasi. Huwag ka mag alala PA ngayong darating na pasko mag seselebrate kami.
PS: PA bulungan mo naman minsan si mama. huwag kamo sya susuko sa hirap at bigat ng problema. Makaka ahon rin kamo kami. Pakatatag kamo sya.
xoxo!!





~sAy mO!!